SANAY AKO NALANG(CHAPTER 9)Season 3
SANAY AKO NALANG
CHAPTER 9 - SEASON 3
PINOY M2M STORY

(SANAY AKO NALANG 9)
=PINOY M2M STORY=
SANAY AKO NALANG
---------------------------
=CHAPTER 9=
(REX'S POV)
-
"Ma mahirap ba ang
buhay mag-asawa?"
"Bakit mo naman
natanong yan?
Mag-aasawa kana ba?"
-mama
"Nagbabalak na kasi
kami ni Nathan,
Pero natatakot ako
baka hindi kopa kaya.
Baka hindi pa namin
kaya."
"Alam mo Rex,
Mahirap talaga ang
buhay mag-asawa kasi
marami kang iisipin.
Gastusin sa bahay,
Mga gamit sa bahay at
higit sa lahat yung
kakainin nyo araw-araw.
Pero kung ready kayo
at may ipon kayo bakit
hindi?
Sa panahon kasi
ngayon hindi sapat na
mahal nyo lang ang
isat-isa,
Dahil hindi ka
mabubusog sa pagma
mahal." -Mama
"Pero kung mag-aasawa
kami ni Nathan,
Ayos lang ba sa inyo?"
Napabuntong hininga
si Mama at humarap
sakin.
"Malaki kana Rex,
Kilala kita alam kong
kaya mo.
Ganon din si Nathan
alam kong responsable
syang lalaki at syempre
nandito lang kami na
Pamilya nyo para
gabayan kayo." -Mama
"Salamat Ma."
"Kelan nyo naman
balak?"
"Inaayos lang po yung
pinapagawang bahay ni
Nathan at doon na
kami lilipat."
"Hay, Malalayo kana
talaga samin." -Mama
"Wag kayong mag-alala
Ma, lagi ko kayong
bibisitahin."
Habang nag-uusap
kami ni Mama ay
biglang tumawag sakin
si Nathan.
'Hello My Loves?
Ba't ka napatawag?'
'Hi po, Ka trabaho po
pala to ni Nathan.
medyo nakarami po
kasi kami ng inom
pauwe nadin po kasi
ako kaya lang hindi
ko maiwan si Nathan,
Pwede nyo po ba
syang puntahan?'
'Ano?! Sige sabihin
mo sakin kung saan
yan at pupunta ako.'
Agad akong nagbihis
at pinuntahan yung
lugar na sinabi nang
katrabaho ni Nathan.
Ano kayang naisip ni
My Loves at nagpaka
lasing sya?
Kokotongan ko
talaga yon.
Bar??? Agad kong
tanong sa sarili ko
nang makita yung lugar
na sinasabi ng
katrabaho ni Nathan.
Sigurado ba yon?
At anong gagawin ni
Nathan dito?
Hindi ko alam pero
bigla akong nakaram
dam nang kaba,
Parang biglang bumigat
ang dibdib ko.
Dahan dahan akong
pumasok at hinanap
kung nasaan si Nathan,
Nag text nadin ako
na nandito nako.
"Kayo poba yung
kausap ko kanina?"
Tanong sakin ng hindi
ko kilalang lalaki,
Pero malamang sya
yung kausap ko kanina.
"Opo ako yon,
Asan poba sya?"
"Andon po sa bandang
likod, Puntaha nyo
nalang po.
Ito din pala yung
phone nya pakibigay
nalang sa kanya at
pasabi nauna na ako."
"Sige salamat."
"Una napo ako."
Lumabas na yung
katrabaho ni Nathan at
ako naman ay
pinuntahan na sya.
Habang papalapit ako
ay lalong bumibilis
ang tibok ng puso ko.
Totoo batong nakikita
ko?
O dinadaya lang ako
nang paningin ko?
Gusto kong sumabog
sa nakikita ko ngayon,
Pero parang biglang
naubos ang lakas ko.
Parang unti unting
dinudurog ang puso ko.
Ang sakit,
Ngayon nalang ulit ako
nakaramdam nang
ganitong sakit.
Lumapit ako kala
Nathan at tumayo lang
sa harap nila habang
pinapanood sila.
Nakaupo si Nathan
habang nakapatong sa
kanya yung isang Babae.
Nakayakap sa kanya
yung Babae at nilala
mutak sya nang halik.
Nakakadiri sila!
Dito pa talaga sa
ganitong lugar?
Tiningnan ko ang
paligid at wala masya
dong tao sa pwesto
nila.
"Masarap ba?
Masarap ba ang
ginagawa nyo?"
Finally nagkaroon
nadin ako ng boses
para komprontahen sila.
Napatigil yung Babae
sa ginagawa nya at
napatingin ng masama
sakin.
Excuse me?Sino ka?
Alam moba na bawal
makialam dito?
Kung gusto mo
humanap ka nang sayo."
Hindi ko pinansin
yung Babae dahil
nakita ko si Nathan na
parang tulog na dahil
sa kalasingan.
Alam ba ni Nathan
ang ginagawa nang
babae sa kanya?
"Tulog na sya,
Kaya iuuwe kona sya."
"Anong tulog?
Kanina nga lang
gumaganti pa sya
nang halik sakin.
Sino kaba?
Nakakaistorbo kana."
"Iuuwe kona sya."
Lalapitan kona sana
si Nathan pero
humarang yung
Babae sakin.
"Pano kung ayaw ko?
Costumer ko sya,
at binayaran nya ako
kaya nagbibigay lang
ako nang serbisyo.
Kaya pwede ba
umalis kana."
Nainis ako sa attitude
nang Babae kaya
tinulak ko sya at
napasubsob sya
upuan.
"Yung kakatihan mo
ikiskis mo sa pader,
Wag sa Fiancé ko.
Wala akong pakialam
kung ginagawa mo
ang atrabaho mo
pero wag kay Nathan,
wag sa Fiance ko"
"Ang kapal nang
mukha mo bak----"
"Subukan mong
lumapit,Basag tong
Bote sa mukha mo.
ewan ko lang kung
magustahan ka pa
nang mga costumer
mo."
Kinuha ko agad yung
bote na sa lamesa at
akmang ipupukpok
ko sa kanya.
Natakot naman sya
sakin at biglang
napaatras,
Nilapitan ko si Nathan
at sinubukang gisingin.
"My Loves?Gising na.
Uuwe na tayo."
Mahina kong inalog
si Nathan at sinampal
sampal para matauhan.
"M-my loves??
Ikaw bayan?"
"Oo ako to, Tara na
uuwe na tayo."
Napahawak si Nathan
sa ulo nya pero tumayo
padin sya dahil pinilit
ko sya.
Tumawag nalang ako
kay tita Emma para
ipasundo kami dahil
hindi ko kaya iuwe si
Nathan mag-isa.
"Kuya Alex?
Patulong naman po
sa pagbuhat dito."
"Sige Rex,
Mukhang nalasing si
Sir Nathan."
"Oo nga po."
Sinakay na namin sya
sa sasakyan at ang
loko tulog padin.
Kotong talaga sakin
to bukas pag-nagising
sya.
"Hindi naman sa
nakikialam ako sa inyo,
Nag-away ba kayo?"
"Nako kuya Alex hindi
ah, Bonding lang nila
yan ng mga ka work
nya ang kaso itong
lalaki nato ay naso
brahan sa kaanuhan
nya"
Natawa nalang si
Kuya alex dahil sa
pag-sagot ko.
Pagdating namin sa
bahay ay sinalubong
agad kami ni Tita Emma.
"Rex ano bang nangyari?
Ba't nalasing sya?"
Tanong sakin ni Tita
"Hindi ko nga po alam,
Nagulat nalang ako
nang may tumawag
sakin at sinabing lasing
sya kaya ayon
pinuntahan ko agad."
"Pag-tulungan nalang
natin sya iakyat." -Tita
"Sige po."
Inakyat namin sya sa
kwarto nya,
Tatlo na kami nagbuhat
pero nahirapan padin
kaming iaakyat sya.
"Rex, Ikaw na bahala
sa anak ko ha?
Pasensya kana din
hayaan mo pagsasa
bihan ko yan bukas."
"Okay lang po tita,
Salamat."
Lumabas nadin agad
si Tita kaya naiwan na
kaming dalawa ni
Nathan.
Kumuha ako nang
pamalit nya kasi ang
baho nya amoy alak!
Kumuha din ako ng
basang bimpo at
alcohol para punasan
yung mga hinalikha
likan ng Malaxxding
Babae nayon,
mamaya may Virus
yon mahawaan pa si
Nathan.
"My Lovesss"
Biglang nagsalita si
Nathan pero tulog sya.
Lakas talaga nang
tama nang lalaki nato.
Habang pinupunasan
ko si Nathan ay bigla
Kong naalala yung
nakita ko kanina.
Kilala kaya ni Nathan
yung Babae?
Alam kaya nya yung
nangyari?
Ginusto nya kaya yung
nangyari?
Bukas pag-gising nya
mag-kakaalaman kami.
(NATHAN'S POV)
-
Nagising nalang ako
dahil sa sobrang sakit
nang ulo ko,
Naparami ata ako ng
inom kagabi.
Gusto kona sana
umuwe non kaso hindi
ako pina-uwe ng mga
katrabaho ko.
Pero si My loves
nakita ko nandito sya
sa kwarto ko,
Nakaupo sa tabi ko
at nakatingin sakin.
"My Loves anong
nangyari??"
Napatingin sakin si
Rex nang masama na
parang nakagawa ako
ng masama.
Ano ba talagang
nangyari?
Wala akong maa-lala.
"Wala ka talagang
naa-alala??"
"Wala,Masyado atang
napadami yung.....Aray!
My loves ang sakit!!!!"
Bigla akong piningot
ni Rex nang sobrang
sakit at parang nagising
ang diwa ko.
"Ano wala ka pading
naa-alala??"
"Wala ta-laga My Loves,
aray..."
"Alam mo ba na
May babae kang kasama
kagabi!?
At nakapatong pa sayo!
Gagawa kalang naman
ng kalokohan nagpakita
kapa!"
Babae?Anong sinasabi ni
My Loves?
May nagawa ba akong
mali kagabi na hindi ko
nalalaman?
"My loves hindi ko
talaga yon alam."
"My Loves mo ang
mukha mo!
Magsama kayo ng
Babae mo!"
"Wala akong Babae,
Hindi ko kilala ang
sinasabi mo,
Wala akong alam sa
nangyari."
"Pano kung hindi ako
dumating!?
May nangyari na
sa inyo!
Nathan Babae yon!
At may mga naibibigay
sila sa inyong mga lalaki
na hindi namin mabibigay!
Alam moba kung
gaano kasakit yon??"
Umiiyak si Rex,
sobra syang nasaktan
sa kasalanang hindi ko
naman talaga sinasadya,
Gusto kong mag
explain pero hindi ko
magawa kasi ako
naman talaga ang mali
dahil unang una hindi
na dapat ako pumunta
at sumama sa Bar
nayon.
"My Loves sorry."
"Uuwe na ako Nathan,
Baka hinahanap na
ako samin." -Rex
"Pag-usapan na muna
natin to bago ka umalis,
Hindi ako mapapakali
nito."
"Sige na matulog kana,
Sakit nadin kasi ng
ulo ko."
Tumalikod si My Loves
at naglakad palabas,
Hindi kona sya hinabol
kasi kilala ko si Rex
hindi papapigil yon.
Pero kahit ganon,
Naisip ko padin na hindi
ko dapat pinapalipas
ang hindi namin pagka
kaintindihan tumayo
agad ako para habulin
sya pero wala na sya.
Nakaalis na sya.
"Oh Nathan gising
kana pala."
"Asan po si Rex,
Mommy?"
"Kakaalis lang,
Nagmamadali nga eh.
Bakit hindi ba sya
nag-paalam sayo."
Napaupo nalang ako
at napahawak sa
ulo ko.
Ano bang nagawa ko?
"Nag-Away ba kayong
dalawa?"
"Hindi po."Matamlay
kong sagot.
"Pero bakit sya umalis?
Ano ba talagang
nangyari?"
"I don't know i was
drunk last night."
"Kausapin mo si Rex.
Mag-usap kayo,
Simpleng problema
hindi na dapat pina
palaki pa."
Tama si Mommy
kailangan kong sundan
si Rex.
Kahit maghiga higa
ako dito samin wala
ding mangyayari,
Lalo lang sasakit ang
ulo ko.
(REX'S POV)
-
Habang naglalakad
ako papuntang sakayan
ay may sasakyan na
bumusina sakin pero
hindi ko pinansin alam
kong si Nathan lang yon.
Busina padin sya ng
busina at ang sakit sa
tenga kaya tumigil ako,
Binuksan naman nya
yung Bintana ng
sasakyan nya.
"My Loves ihahatid
na kita."
"Hindi na!
Kaya ko mag-isa,
Doon kana sa Babae mo!"
"Hindi ko nga yun Babae,
Ni hindi ko nga alam
kung sino yon"
Hindi ko sya pinansin
at naglakad nako palayo,
Pero sinundan padin
nya ako.
Sumakay na ako ng
Jeep at akala ko
tatantanan na nya ako
pero nagulat ako ng
bigla syang humarang
sa Jeep.
"My Loves bumaba ka
dyan! mag -usap tayo!
Hindi ako tatabi
hanggat dika lumalabas!"
What! The!!!!!
Anong gingawa ni
Nathan????!!
Puno na yung Jeep at
ready na umalis kaya
lang nakaharang si
Nathan.
Busina nang busina
Yung Driver pati yung
ibang pasahero naiinis
nadin.
Nilabas ko yung ulo ko
sa bintana ng Jeep at
sinigawan si Nathan.
"Nathan tumabi ka nga!
Nakakaabala kana!!!!"
"Hindi ako aalis dito!!
Kahit sagasaan nyo
pa ako!!"
Sa inis ko ay umupo
na ako ng maayos
kaya lang napansin
kong nakatingin na
sakin ang mga
pasahero.
"Sir bumaba napo kayo,
para makaalis na kami."
Sabi sakin ng driver.
"Oo nga bumaba kana,
kausapin mona yon"
sabi naman ng isang
pasahero.
"Ano ba! Nakakaabala
na kayo!"Sabi naman
ng medyo maedad na
babae.
"Pasensya na po."
Dahil sa hiya ko ay
bumaba nalang ako
ng jeep at pinuntahan
si Nathan.
Nang nilapitan ko sya
ay naka ngiti pa ang
loko,
akala naman nya
nakakatuwa ang
ginagawa nya.
"My Loves salamat at
bumaba kana."
Hindi na ako sumagot
at hinila kona si Nathan
papasok sa sakyan
nya pero hindi ko padin
sya kinakausap.
"Gusto mo ako ihatid
diba?Sige na nandito
nako,Paandarin mona."
"My Loves sorry na
talaga,
Alam kong hindi dapat
ako uminom pero hindi
ko talaga kilala yon."
Tumingin lang ako sa
kanya ng masama.
Alam nyo sa totoo lang?
Insecure lang ako doon
sa Babae,
Syempre Babae yon eh
anong laban ko don?
Pano kung nagustuhan
yon ni Nathan at
marealize nya na dapat
hindi nalang ako ang
minahal nya,?
Na dapat isang tunay
na Babae ang minahal
nya.
"Sige na Nathan ihatid
mona ako."
"Galit kapa ba???"
Tanong nya sakin.
"Hindi."
"hindi?Pero bakit parang
galit ka padin?"
"Hindi na nga sabi"
inis kong sabi sa kanya.
"Sige nga ikiss mo
nga ako."
"Ayaw ko nga."Ewww..
"Bakit ayaw mo?
Siguro galit kapa sakin."
-Nathan
"Hindi na nga sabi."
"Eh ayaw mo????
Galit kapa nga talaga."
-Nathan
"Oo na"
Dahil sa kulit nya ay
ikikiss kona sya,
Pero yung kiss na dapat
sa pisngi nya lang ay
biglang naging sa lips
kasi bigla syang
humarap tapos
hinawakan ang ulo ko
at hinalikan nyaako.
Bigla akong naestatwa
sa halik nayon at hindi
ako nakakilos agad,
Parang may pampa
manhid ang halik ni
Nathan at hindi ako
makakilos.
(NATHAN'S POV)
-
"Salamat sa paghatid,
Sige umuwe kana para
makapahinga kana."
"Dito muna ako sa inyo."
Pagpilit ko sa kanya.
"Hindi na umuwe kana."
"My Loves wag kana
kasi magalit sakin."
Kahit ayaw nya ay
hinawakan ko ang
kamay nya at pumasok
kami sa loob.
Ayokong mag-aksaya
ng oras o kahit segundo
na hindi kami
magbabati ni My Loves
at hindi ko na talaga
uulitin yung nangyari
kagabi.
===FLASHBACK===
"Pre sama ka samin ni
Anjo?"
Yaya sakin ng katrabaho
kong si Raymond.
"Saan naman?"
"Sa Bar, Maraming
chicababes don hindi
ka maboboring.
Siguradong mag-iinit ka."
"Hindi na kayo nalang,
Medyo napagod din
kasi ako kailangan
kong magpahinga."
"Saglit lang to Pre,
Kahit sumama kalang
tapos konting tagay.".
-Raymond
"Oo nga Nathan,
Hindi naman malala
man to ng Girlfriend
mo." -Anjo
"Pasensya na talaga
kayo nalang."
"Ang KJ mo Pre,
Wag masyadong mag
paka under sa Girlfriend
mo dapat minsan mag
enjoy kadin, Ano tara?"
Mag-sasalita pa sana
ako pero hinila na ako
ng dalawa.
Dinala nila ako sa isang
Bar medyo malayo sa
Building namin.
Huli kong punta sa
ganitong lugar ay nung
Teenager ako
(Pasaway pa ako) at
hindi kopa nakikilala si
Rex non.
"Nathan,Tutunganga
kana lang ba dyan?"
Pumasok kami sa loob
at madaming tao
(Malamang) maingay
at madaming mga
Babae.
"Ang daming sexy
mukhang makaka
jackpot tayo dito."
Pabirong sabi ni
Raymond.
Hind ko nalang sya
pinansin at humanap
na kami ng mapu
pwestuhan.
Agad naman kaming
nag-order nang alak,
Wala talaga akong
balak na uminom dahil
kapag nalaman to ni
Rex mayayari ako nito.
Habang umiinom kami
ay may lumapit saming
Babae.
"Hi mga Pogi?"
"Oh hi Miss" agad na
tumayo si Raymond at
hinawakan sa bewang
Yung Babae pero
tinanggal agad nito yung
kamay nya.
"Sorry pero hindi ikaw
ang gusto ko."
Ngumuso sakin yung
Babae pero wala lang
sakin yon.
Siniko ako ni Anjo at
sabay bulong.
"Pre mukhang ikaw ata
ang type."
Ngumiti Lang ako at
tumabi sakin yung
Babae.
"Hi Ako nga pala si
Clarrise and you is?"
"Nathan."
Nakipag kamay sakin
yung Babae at nag stay
nadin sya sa tabi ko.
Habang tumatagal ay
napapansin kong panay
hawak ng Babae sa
hita ko kaya nag-paalam
na ako na aalis na.
"Anjo,Raymond mauna
nako. salamat nalang."
Tatayo na sana ako
pero hinila ako pabalik
nung Babae.
"Aalis ka agad?Ayaw
moba ako makasama?"
"Oo nga Pre,
Ubusin nalang muna
natin to."
Umupo ulit ako at
pinatagay pa nila ako
ng pinatagay.
Makalipas ang ilang
minuto ay nakaramdam
na ako ng tama,
gusto ko mang tumayo
pero nahihilo na ako
at pag katapos non
hindi kona alam ang
sumunod na nangyari.
=END OF FLASHBACK=
"My Loves kain na
muna tayo,
Medyo nagugutom na
kasi ako."
"Sige na ikaw nalang,
Matutulog pa ako."
-Rex
"Ay hindi pa pala ako
nagugutom tara tulog
na muna tayo."
Hindi padin ako
masyado pinapansin ni
My Loves galit padin sya.
Sumunod nalang ako
sa kwarto nya at mag
katabi kaming humiga
kaso nakatalikod sya
sakin,Pero niyakap
ko sya.
"My Loves sorry."
Hindi sya sumagot
sakin.
Pinikit ko nalang ang
mga mata ko at sana
pag-gising ko okay na
kami ni My Loves.
(ANDREA'S POV)
-
"Oh bakit parang ang
laki ng ngiti mo?
Nagkabalikan naba
kayo ni Andrew?"
Tanong sakin ni Kuya.
"Eww, Kuya wag mo
ngang babanggitin ang
pangalan ng lalaking
yon."
"Eh bakit nga ang saya
mo?" -Sam
"Basta."
Napakamot nalang si
kuya ng ulo at tumabi
sakin.
Well masaya lang
naman ang araw ko
kasi this time hindi ako
ang talunan at umuwing
luhaan.
==FLASHBACK==
Kasalanan to lahat ni
Rex hindi sana ako
magkakanito at hindi
kami magkakagalit ni
Mommy kung hindi
dahil sa kanya.
Dahil sa sama nang
loob ko ay pumunta
ako sa paborito kong
lugar kapag may
problema ako.
Pagpasok ko sa Bar
na palaging pinupun
tahan ay may nakita
akong isang Pamilyar
na mukha.
'Si Nathan ba yon?'
Agad na may pumasok
na magandang plano
sa utak ko,
Kung hindi ko masira
si Rex at Mommy sila
nalang ni Nathan ang
sisirain ko.
"Dito ka nag tatrabaho
diba?"
Tanong ko sa Babaeng
mukhang ewan ang
itsura dahil sa ayos nya,
Pero mukha syang
pxxxxpxxxx.
"Oo bakit?"
"May gusto sana akong
ipagawa sayo,
Nakikita moba yung
mga lalaki nayon?"
Tinuro ko si Nathan at
tumango sya sakin.
"Gusto kong lumapit
ka sa kanya at lasingin
mo sya at landiin mo
since ayon naman ang
trabaho mo."
"May pera kaba?"
"Oo, Gusto mong
isampal kopa sayo?"
Kumuha ako ng cash
sa bag ko at inabot ko
sa kanya,
Binilang pa nya yon at
napangiti sya.
pagkatpos non ay
pumunta na sya
pwesto nila Nathan.
-----------------
Pinagmasdan kolang
sila at kitang kita ko
kung paano nilalasing
nang Babae si Nathan.
Tumayo yung kasama
ni Nathan at nilapitan
ko yon.
"Hello po?Mukhang
lasing na ata yung
kasama nyo."
"Oo nga eh naparami
nang inom."
"Bakit kaya hindi mo
tawagan yung Girlfriend
nya?
Para ipasundo nyo na
lasing na eh."
Sumunod naman agad
yung lalaki at kinuha
yung phone ni Nathan
at may tinawagan.
Tingnan natin kung
anong magiging
reaksyon ni Rex kapag
nakita nyang may
kalandian ang pinaka
mamahal nyang si
Nathan.
Hindi nagtagal ay
umalis nadin ang
dalawang kasama ni
Nathan kaya naiwan
sya at yung Babae.
Sigurado ako
anumang oras darating
na si Rex at Good luck
sa kaniya hahaha.
Umalis nadin ako
dahil baka makita nya
ako,
At wala din akong
balak makita ang gulo
sa pagitan nila.
=END OF FLASHBACK=
"Ready kana ba para
sa Birthday ni Mommy
bukas?" Tanong sakin
ni kuya.
"Syempre dahil may
big announcement daw
si Mommy and for
sure para sakin yon."
"Talaga lang ha?"
"Pwede ba kuya wag
monang sirain ang
masayang araw ko?"
"Ito talagang kapatid
ko masyadong mainitin
ang ulo."
Kahit ganito kami
mag-usap ni kuya ay
mahal na mahal ko sya
kesa naman kay Rex
na Walang ibang
ginawa kundi ang
agawin ang lahat sakin,
Kunin ang lahat ng
sakin.
"Kuya parang ang fresh
mo ngayon?
Siguro may nililigawan
kana??"
"Matagal na akong
Fresh, Pero may Tao
akong gusto kaso diko
pa alam kung paano
ko uumpisahan ang
pangliligaw."-Kuya Sam
"Torpe ka pala eh,
Kailan ko naman
makikilala ang
maswerteng babae
nayan?"
"Wag ka mag-alala
makikilala mo din sya
bukas dahil ni invite
ko sya."
"Dapat maganda yan
ha? Baka chaka yan."
"Maganda sya tapos
mabait pa,
Si Rex kaya pupunta
din?"
Okay na sana yung
pag-uusap namin ni
kuya kaya lang bigla
na naman nya siningit
ang pangalan ni Rex.
"Sigurado ako na hindi
pupunta yon."
"Pano ka nama
nakakasiguro?"
"Basta."
Sa nangyari kagabi
sigurado ako na super
broken si Rex,
Ikaw ba naman harap
harapan mo makikita
na may ibang
nakapatong sa
Boyfriend mo.
(REX'S POV)
-
Alam kong nagpromise
ako na hindi na ako
magiging maropokpok
pero iba kasi talaga
pagdating kay Nathan.
Nakahiga kami ngayon
at nakayakap sya sakin.
Mahimbing syang
natutulog habang ako
eto mulat na mulat.
Maya-maya ay biglang
kumatok si Mama.
"Rex may ibibigay
ako sayo."
Inalis ko muna yung
kamay ni Nathan at
lumabas para tingnan
kung ano yung ibibigay
nya.
"Invitation,Galing
kay Aurora."
Oo nga pala Birthday
na ni Mommy Bukas,
Nawala sa isip ko
dahil sa mga nangyari.
"Pupunta kaba?"
Tanong sakin ni Mama.
"Opo,Nag promise ako
na pupunta ako."
"Pero sigurado ako
gulo na naman to
kapag nagkita kayo
ng ate mo." -Mama
"Iiwas naman po
hanggat maaari.
Atsaka hindi lang ako
ang pupunta,
Isasama kopo kayo"
"Nako wag na
sigurado akong
mayayaman lahat ng
pupunta don." -Mama
"Ma?Ano naman?
Tayo naman ang
magkakasama don
kaya ayos lang."
"Pero wala pa akong
susuotin." -Mama
"Problema bayon?
edi bibili Tayo."
"Sana lang talaga
hindi magsisimula ng
away ang ate mo
dahil kung hindi baka
mapatulan ko sya
kahit mas bata pa sya
sakin." -Mama
"Ma?Ako na ang
bahala sa kanya.
Hindi ko hahayaan na
may saktan sya sa
Pamilya natin,
Dahil hindi na ako
natatakot sa kanya."
Ayokong sirain ang
araw ni Mommy bukas
nang dahil sa
kamalditahan ni
Andrea.
Iiwas ako hanggat
kaya ko,
Diko sya papatulan
hanggat kaya ko.
"Sige na anak gisingin
mona si Nathan,
nakapag luto na ako
ng aalmusalin natin.
Para sabay sabay
na tayo."
Bumalik ako sa
kwarto ko at ginising
yung lalaking Babaero
Slash lasenggero.
"Gising na Nathan,
Nagluto daw si Mama."
"Talaga My loves?"
"Oo kaya bumangon
kana dyan,
Sumunod ka nalang."
Nauna akong lumabas
kay Nathan,
Ewan koba naiinis
padin ako sa twing
naalala ko yung Babae
na nakapatong sa
kanya although alam
ko na mahal nya ako.
"Rex asan na si
Nathan?"Tanong sakin
ni Papa.
"Susunod nalang daw
po sya."
"Rex ano nga pala
ang nangyari kagabi?
Bakit bigla kang
umalis tapos dika dito
natulog?"
Tanong naman sakin
ni Mama.
"Bigla po kasi akong
niyaya ni Nathan,
Tapos gabi nadin kaya
doon na nya ako
pinatulog sa kanila."
"Ganon ba?"
Maya-maya ay
dumating na si Nathan
pero hindi kopa din
sya pinapansin.
"Ma dati ba nang
Babae si Papa?"
Wala sa lugar kong
tanong na ikinagulat
nila.
"Bakit mo naman na
tanong yan?" -Mama
"Wala lang bigla
kolang naisip."
"Hindi, Mabait yang
Papa mo at kung nang
Babae man sya o
mam Babae?
Ewan kolang,
Kakalbuhin ko talaga
ang Babae ng Papa
mo." -Mama
"Ni minsan hindi ko
pinagpalit ang Mama
mo,
Oo maraming Babae
sa paligid pero kung
talagang mahal mo
ang isang tao hindi
mo sya magagawang
ipagpalit." -Papa
"Wow naman pa,
Sana ganyan lahat ng
lalaki."
"Bakit may Babae
bang iba si Nathan?"
Muntik nang maibuga
ni Nathan ang kinakain
nya dahil sa tanong
ni mama.
"Si Nathan?
Nako ma hindi,
Mabait yan at wala
yang Babae at hindi
din yan mahilig
pumunta sa mga Bar
takot kaya yan sakin.
Diba My loves??"
"O-oo naman My Loves,
Alam mo namang
mahal na mahal kita."
Talaga lang Nathan?
mahal na mahal mo
ako?
"Kumain na nga tayo,
at marami pa tayong
gawin."
After naming kumain
ay ako nadin ang
nagligpit at naghugas
(wala naman kasing
ibang gagawa haha)
habang naghuhugas
ako ay biglang may
yumakap mula sa
likuran ko.
"My Loves galit ka
pa din ba?"
"Nag-huhugas ako
Nathan wag mo ako
guluhin."
"Hindi kita bibitawan
hanggat dimo sina
sabing Okay na tayo,
at mahal mo ako."
-Nathan
Lalo pang hinigpitan
ni Nathan ang yakap
nya sakin.
"Nathan ano na
namang kadramahan
to?"
"Bahala ka My Loves,
hindi kita bibitawan."
-Nathan
Sa inis ko sa kanya
(Talaga ba?)
Ay hinarap ko sya at
sobrang lapit nang
mukha namin sa
isat-isa.
"Hindi ako galit sayo
Nathan okay?
Naiinis lang ako,
Pero sa kabila nang
inis nayon ay mas
nangingibabaw pa
din ang pagmamahal
ko sayo,
Dahil mahal na mahal
kita! Alam mo ba yon?
Kaya nga kah-----"
Hindi kona natapos
ang sasabihin ko dahil
hinalikan na nya ako.
Nakakailang halik
nato sakin nang hindi
nag-paalam.
"Ang dal-dal mo talaga
My Loves, I love you."
"Ehem"
Napa-ayos kami nang
pwesto nang biglang
dumating si Mama,
Nahiya tuloy ako bigla.
Dumistansya sakin si
Nathan para matapos
kona ang ginagawa ko.
(ANDREA'S POV)
-
Kanina pa ako nandito
pero wala padin si Kuya.
kainis sya na nga lang
ang pwede kong
makausap dahil puro
matatanda ang mga
bisita dito,
Inaantay nalang namin
sila Mommy at Daddy
dahil may big
announcement daw sila.
"Hi Andrea ang ganda
mo naman"
Bati sakin ng isang
friend nila Mommy.
"Thank you po."
Expected kona ako ang
magiging pinakama
ganda dito dahil kung
icocompare sa mga
ibang babaeng nandito
ngayon?
Magmumukha lang
silang Yaya kapag
tumabi sakin.
"Andrea nag start
naba?"
Mayamaya ay dumating
na din si kuya.
"Nagstart na pero
inaantay pa sila Mommy
at Daddy."
"Ganon ba? Sorry ha,
May sinundo pa kasi
ako."
"Who is she?"
Tanong ko kay kuya
kasi may kasama
syang Babae pero
hindi ko masyadong
nakita ang itsura nasa
bandang likuran nya
kasi.
"Ah si Miles pala,
Kaibigan ni Rex."
"What??"
"Miles excuse lang ha?
Kakausapin kolang itong
kapatid ko."
Tumango lang si Miles
sa sabi ni kuya at hinila
na nya ako palayo sa
Babaeng yon.
"Don't tell me, Sya yung
Babaeng tinutukoy mo
na gusto mo."
"Yes she is."
"Kuya are you out your
mind? In all people ayan
talagang babae nayan
ang pinili mo para
ligawan?"
"What's wrong Andrea?
Mabait sya,Maganda at--"
"At manggagamit,
Kuya ang daming Babae
dyan na nagkakan
darapa sayo,
Mas magaganda at higit
sa lahat mas mayaya
man tapos eto ka pinili
yung Babaeng low class?"
"Nirerespeto ko kung
ayaw mo sa kanya pero
hindi ibig sabihin non
pwede mo na syang
bastusin." -Kuya Sam
"I'm just giving you my
best advice because
you're my Brother,
Baka nakakalimutan
mo MONTES ka at dapat
doon ka lang sa mga
ka level mo."
"Alam mo Andrea
hindi ko alam kung saan
mo nakukuha yang
mga sinasabi mo,
Pinalaki naman tayo
nila Mommy na
Rumespeto sa kapwa."
-Kuya Sam
"Pero hindi kasama
don ang magpagamit
tayo sa mga eskwaters
nayan,
Magkaibigan nga talaga
sila ni Rex.
Didikit kung saan sila
madaling aangat."
"Bahala ka kung anong
gusto mong isipin,
Pero isa lang ang
masasabi ko sayo.
Mabubuti silang Tao
kaya sana makita mo
yon."
Iniwan ako ni Kuya at
bumalik sya sa Babaeng
manggamit,
Malaman kolang talaga
na kaya lang sya
dumidikit kay kuya
para maambunan lang
nang pera ako mismo
ang kakaladkad sa kanya
at magdadala kung saan
nababagay ang mga
kagaya nya.
Ang daming bisita nila
Mommy kaya lang hindi
na ako nag eenjoy,
Nasira na ang gabi ko.
Kainis! Talaga!
Pumunta nalang ako
sa banyo para makapag
retouch medyo na
Haggard ako sa
pakikipag talo kay
kuya kanina.
____________________
ABANGAN ANG
CHAPTER 10
SUSUNOD NA..!!!!!
Please like, and comments
Thank you...

Comments
Post a Comment