SANAY AKO NALANG(CHAPTER 10)SEASON 3
SANAY AKO NALANG
CHAPTER 10-SEADON 3
PINOY M2M STORY
Chapter 10
PINOY M2M STORY
=SANAY AKO NALANG=
==Chapter 10==
(REX'S POV)
-
"Wow Ma ang ganda
mo ngayon bagets na
bagets"
pabiro kong sabi kay
Mama
"Ngayon lang?So pangit
ako kahapon?"
"Haha si Mama talaga,.
Biro lang."
"Tara na late na tayo oh
ang bagal mo kasi,
Sayang naman tong
mga suot natin baka di
tayo papasukin." -Mama
"Okay lang yan,
di rin naman agad yan
magsstart remember?
Fililino Time? 6 ang
usapan 8 magda
datingan."
"Kuya, Mama!"
Pumasok si kyline sa
kwarto ko kasama
si Papa.
"Ang cute naman ng
Baby namin." -Mama
"Wow Pa,
Ang gwapo natin ah!
Lalong maiinlove sayo
si Mama!"
Biglang namula si
Mama sa sinabi ko at
binatukan ako ng
mahina haha sa kanya
siguro ako nagmana.
"Ako na naman trip
mo anak ha?
Asan naba kasi ang
magsusundo satin?"
Gusto kong tumuwa
ng malakas dahil sa
reaksyon ni Mama
haha ang harot!
Hahaha.
Mayamaya pa ay may
bumusina sa labas
nang bahay namin at
alam kona kung
sino yon.
"Oh ayan na sya
tara na."
Lumabas na kaming
lahat at nandon na
si Nathan nag-aantay
samin.
Para akong matutunaw
dahil sa ayos ni Nathan
ang gwapo kasi!! Hehe.
"Bakit My Loves pangit
ba ang suot ko?"
Hindi ako nakasagot
sa tanong nya dahil
literal na natameme
ako.
"Hindi pangit ang suot
mo anak,
Nainlove na naman
itong anak ko sayo.
Sus Rex!ang landi mo
talaga!"
Kainis si Mama nag
moment pa ako eh,
binatukan ba naman
ako.
"Tara na,Late na tayo
diba?."
Magkatabi kami ni
Nathan sa harap tapos
sila Mama sa likod
pero hindi padin ako
makatingin sa kanya
dahil baka matunaw
na ako.
-----------------
Pagdating namin sa
Venue ay parang gusto
konang umuwe tama
si Mama hindi namin
ka level ang mga
tao dito.
"Ang ganda po dito."
Masayang sabi ni
Kyline.
"Baby wag malikot ha?
Baka makasira ka
mamahalin lahat ng
gamit dito wala tayong
ibabayad."
Saway ni Mama
"My Loves asan naba
kasi ang Mommy mo?"
"Wait tatawagan kolang."
Nakailang calls ako
kay Mommy pero hindi
nya ako sinasagot.
"Anong sabi anak?"
"Hindi po sumasagot
eh."
"Beeeeee!!!!!!"
May Pamilyar na boses
akong narinig paglingon
ko si Miles at kasama
nya si kuya.
hmmmm parang may
something na talaga
sa kanila.
"Miles anong ginagawa
mo dito?"
"Yung kuya mo sinama
ako dito." -Miles
Kinurot ko sa tagiliran
si Miles dahil ang harot
nya hahaha.
"Mabuti naman at
nandito na kayo,
tara na doon na tayo sa
bandang harap
pumuwesto." -Kuya
"Wait lang kailangan
kolang kasi magbanyo,
Samahan mo nga
ako Rex."
Aangal pa sana ako
pero hinila na ako ni
Miles kaya sinabihan
ko nalang sila Mama
na sumunod nalang
kay kuya at
sasamahan kolang
itong kaibigan ko.
"Miles kayo naba ni
kuya?" Tanong ko
kay Miles habang
naglalakad kami.
"Hindi pa." -Miles
"Hindi pa?Ibig sabihin
malapit na?"
"Hindi pa,kasi hindi
pa naman sya
nanliligaw.
Ewan koba naman
kasi sa kuya mo ang
bagal bagal."
"Baka kasi wala
naman talaga syang
balak na ligawan ka?"
"Hoyyy grabe ka!
Ang nega mo!
kaibigan ba kita?"-Miles
"Haha tara na nga
bilisan na natin."
Nagmadali na kami ni
Miles at nang papasok
na kami sa Cr at
kung mamalasin ka
nga naman talaga,
Nakasa lubong namin
si Andrea.
"Ikaw?What are you
doing here?
Diba lumayas kana?
So dapat hindi kana
magpapakita pa
samin." -Andrea
"Inimbitahan kasi ako
ni Mommy."
"So dapat hindi kapa
din pumunta,
Diba gusto mong
magkaayos tayo?
Pwes lumayo ka
samin at wag kanang
magpapakita."-Andrea
"Excuse lang ha?
Kapatid mo din sya
at isa syang Montes
kaya bakit mo sya
papalayuin eh hinanap
nga sya ng mga
magulang mo tapos
ikaw papalayuin mo
sya." -Miles
"Shut up! I'm not
talking to you.
Kapamilya kaba
namin?"
"Pasalamat ka naiihi
na ako,Wait kalang
saglit lang to."
Nagmadaling
pumasok si miles sa
loob kaya naiwan
nalang kaming dalawa
ni Andrea.
"Andrea ayoko nang
gulo, Kaya please wag
ka mag-umpisa."
"Wow?! Bakit parang
ang bait mo ata
ngayon?
Siguro may binabalak
kana naman noh?
Ano bayon?
Hihingi ka nang pera
kay Mommy?
Magkano ba ang gusto
mo at ako na ang
magbibigay sayo."
May kinuha sya sa
bag nya at nagbilang
sya at may ibot sya
saking pera.
Pero hindi ko kinuha
yon.
"Hindi ko kailangan
ng pera at hindi pera
ang habol ko sa
Pamilya nato."
"Kung ako sayo aalis
na ako dito,
dahil hindi kadin
naman din mag eenjoy
isama mo na din
yang kaibigan mong
ewan."
Akala ko may gagawin
sakin si Andrea pero
wala naman nilagpasan
nya lang ako at naglakad
na palayo sakin.
Congrats self!
kalmado ka at hindi
kayo nagkasakitan
nang ate mo.
"Be asan na yung ate
mong bruha??!"
"Wala na,kaya tara na
bumalik na tayo."
Bumalik na kami ni
Miles at sakto nandon
nadin sila Mommy at
Daddy.
"Good Evening ladies
and Gentlemen,
Gusto ko lang mag
pasalamat sa lahat
nang pumunta ngayon
sa aking espesyal na
kaarawan.
Sa lahat nang
tumulong samin para
sa espesyal na gabing
ito, lalong lalo na sa
aking pinakamamahal
na asawa na si Diego
Montes.
Alam ko marami sa
inyo dito ang nakaka
kilala sa Pamilya namin,
Pati na sa mga anak
ko at Gusto ko lang
kunin ang pagkaka
taon na to para ipakilala
sila sa inyo."
Tinawag ni Mommy si
kuya at Andrea at nag
palakpakan ang lahat
ng mga tao sa paligid.
Ang ganda nila pag
masdan parang isang
perpektong Pamilya.
"Yung iba sa inyo alam
ang tungkol sa
nawawala kong anak,
Nang mga panahong
yon ay sobrang
nalungkot ako at parang
hindi kona kaya pero
hindi ako tumigil dahil
bilang ina alam ko at
ramdam ko na darating
ang panahon na makikita
at makakasama ulit
namin sya at kaya ko
nasabing epesyal ang
gabing ito,
Dahil sa tagal ng
panahon ay maipa
kikilala at maipagma
malaki kona din sa inyo
ang isa ko pang anak,
Si Rex Montes."
Tumuro si Mommy sa
pwesto ko at napunta
sakin ang atensyon ng
lahat,. Hindi ko akalain
na ipapakilala na nya
ako sa mga business
partners nila at sa mga
buong Pamilya Montes.
Dahil nabigla ako ay
hindi agad ako nakaalis
sa pwesto ko mabuti
nalang at sinenyasan
ako ni Nathan.
Habang papalapit ako
sa kanila ay grabe ang
kaba ko pero sa
kabilang banda ay
natutuwa ako dahil
ngayon alam na nang
lahat na isa din akong
Montes.
"Happy birthday po"
Ayan agad ang nasabi
ko pagkalapit na pag
kalapit ko.
"Salamat,Halika dito
anak tumabi ka samin."
Yumakap agad ako
kay Mommy at napa
luha nadin sa sobrang
saya.
Kung ang lahat ay
natutuwa pero si Andrea
mukhang hindi,
Sobrang sama nang
tingin nya sakin.
at alam ko na hindi
matatapos ang gabing
ito na hindi nya ako
aawayin.
"You ruined my night,
You stole my spotlight."
Pabulong lang yung
pagkakasabi ni Andrea
pero malinaw na
malinaw sakin yung
mga sinabi nya.
Nakatuon na ang
atensyon ng lahat sa
amin,
May mga kumukuha
nang letrato at yung iba
natutuwa pati sila
Mama kitang kita ko
na masaya din sila
para samin.
Pagkatapos nang
announcement nayon
ay bumalik nadin ako
sa pwesto namin at
sila Mommy at daddy
ay kausap yung ibang
mga bisita.
"Mama ang sarap ng
mga pagkain dito!"
Masayang sabi ni Kyline.
"Talaga baby?
Kain kalang magpaka
busog ka." -Mama
"Wow nagsama sama
ang mga pulubi."
Biglang lumapit sa
pwesto namin si Andrea
kaya nagkatinginan
kaming lahat.
"Patay gutom agad?
Hindi ba pwedeng
nasarapan lang?"
Biglang banat ni Miles.
"Syempre masarap
talaga ang mga pagkain
dito,
Dahil wala nyan sa
eskwater oh baka may
mga plastic kayo dyan
ha at mag take out pa
kayo mahiya naman
kayo."
"Kayang kaya namin
bumili nang ganito.
kung gugustuhin namin."
-Nathan
"Ang Pamilya mo oO,
eh sila Rex kaya ba?
Eh kung hindi nga lang
dahil sayo baka nasa
kangkungan yang mga
yan,
Baka nga ginagamit
kalang nya at ang
Pamilya mo para may
mahuthutan sila."
-andrea
"Miles,Nathan,Ma,Pa?
Tara na po umalis
nalang po tayo dito."
Nagsitayuan kaming
lahat para makaalis
nadin dito sa Party ni
Mommy.
Hindi kona kasi kayang
tiisin yung pangba-
bastos na ginagawa
samin ni Andrea.
"Oh bakit kayo aalis?
Tinablan naba kayo
nang kahihiyan?
Diba makakapal ang
mukha nyo?." -andrea
"Aalis kami kasi ayaw
namin ng gulo."
"Sana naisip mo yan
bago ka pumunta dito!
Ang kapal ng mukha
mo pagkatapos mong
umalis babalik ka ulit
at talagang inigaw mo
pa ang atensyon na
dapat para sakin!"
-Andrea
"Wala akong inaagaw
sayo."
"Talaga wala?"
Kumuha si Andrea ng
isang basong wine sa
may lamesa malapit sa
kanya at itinapon sakin.
"Aba't sumusobra
kanang bruha ka ha!"
-Miles
Susugudin na sana
sya ni Miles kaya lang
pinigila ko sya nakatingin
nadin kasi samin yung
ibang bisita.
"Sige lalaban ka?
Baka nakakalimutan mo
nasa teretoryo ko kayo,
Baka gusto mong
ipakaladkad ko kayo
palabas!" -Andrea
"Andrea aalis na kami
kaya pwede ba hayaan
mo nalang kami."
Tinalikuran ko si Andrea
at maglalakad na sana
ako paalis pero bigla
nya akong sinabunutan
at kinaladkad papunta
sa isang lamesa at
nginudngod yung mukha
ko sa mga pagkain.
"Alam mo matagal ko
nang gustong gawin
sayo to kaya lang
naaawa ako sayo,
Pero ngayon?
Wala nang makakapigil
sakin!"
"Andrea tama na!"
Lalapit sana si Nathan
samin pero sinigawan
lang sya ni Andrea.
"Wag ka makialam dito.
Away magkapatid to!"
Hindi ko alam kung
bakit galit na galit sakin
si Andrea kahit wala
naman akong gina
gawa sa kanya,
Ako na nga yung
umiiwas pero ayaw nya
padin akong tantanan.
Nagsitayuan na yung
ibang mga bisita dahil
sa gulo namin ni Andrea.
Pakiramdam ko nanliit
ako dahil sa ginawa nya
sakin kaya naman hindi
kona napigilan yung sarili
ko na labanan sya.
Tumayo ako at ang
mukha naman nya ang
nginudngod ko.
"Umiwas nako diba?
Pero ayaw mo padin
akong tigilan,
Nilait lait at minaliit
mopa ang pamilya ko!
Hindi kapa nakontento?
gusto mopa talaga
magsakitan tayo?"
"Let me go!!!!" -Andrea
"Eto ang gusto mo diba?
Away?Sige pagbibigyan
kita."
Sa bilis nang pangyayari
ay hindi na kami
nagawang awatin nila
Mama, pero naririnig
kopa din silang sinasabi
na tama na.
Mayamaya ay dumating
si kuya Samuel at Daddy
kasama nung ibang
guards at inawat kami.
"What's happening here!
Anong kaguluhan to???!!!"
Galit na yung boses ni
Daddy kaya natahimik
ang lahat.
"Daddy sya ang
nagsimula! Kitang kita
nyo naman kung pano
nya ako nginudngod!
Look ang dumi dumi
kona!" - Andrea
"Wag kang sinungaling!
Kitang kita nang lahat
na ikaw ang nagsimula!
At pinagtanggol kolang
ang sarili ko!"
"Sorry Rex pero hindi
magsisimula ng ganito
si Andrea,
Disente namin syang
pinalaki at hindi nya
ipapahiya ang
magandang pangalan
ng mga Montes." -Daddy
Tila lumakas ang loob
ni Andrea dahil sa
naging pagkampi ni
Daddy.
"Hindi kopo kayo
pinipilit na paniwalaan
ako,
Si Andrea yan eh mas
matagal nyo syang
nakasama kaya mas
papanigan nyo sya.
Pero hindi po ako ang
nagsimula dahil pinag
tanggol kolang ang
sarili ko."
Dumating nadin si
Mommy at nagulat sa
gulo ng veneu at sa
mga taong nakatingin
samin.
"Anong nangyari dito?
Nag-away na naman
ba kayong dalawa?
Nawala lang ako saglit
ito na agad ang
nangyari?" -Mommy
"Dapat kasi hindi nyo
pinapunta yan sila Rex
para hindi na sana
nagkagulo dito."
-Andrea
"Ano gusto nyong mag-
away? Sige mag-away
kayo??
Hindi nyo na ako
nirespeto!!??
Hindi nyo na nirespeto
ang Birthday ko??!!!"
Hindi ko akalain na
magagalit ng ganon si
Mommy,
nagsisisigaw sya at
pinagtutumba yung ibang
lamesa.
"Ano bakit natahimik
kayong dalawa?!!!
Mag-away pa kayo!!!
Sana naman naisip nyo
muna yung nararam
daman ng mga magulang
nyo sa tuwing nakikita
nyang nag-aaway ang
mga anak nila!
Hindi ba talaga kayo
pwedeng magkasundo?
Sana kahit ngayon lang
pinagbigyan nyo ako
mga anak." -Mommy
"Sya naman kasi ang
nagsimula" -Andrea
"Alam nang lahat kung
sino ang nagsimula
kaya wag mona akong
baliktarin!"
"Tama na!
Tama na please ...."
Biglang napahawak si
Mommy sa dibdib nya
at ang sumunod na
nangyari ay nawalan
sya nang malay.
Bigla tuloy akong
naguilty dahil sa nangyari.
Kasalanan ko ba kung
bakit nangyari to?
Sana pala hind ko
nalang pinatulan si
Andrea.
----------------------------
-
"Rex saan ka pupunta?"
"Kailangan ko pong
malaman ang kalagayan
ni Mommy."
"Pero nandon ang ate
Mo sigurado ako na
pag-iinitan kana naman
non."
"Hindi ko po sya papatulan
ang importante sakin
ngayon si Mommy."
"Ako napo bahala sa
kanya Mama sasamahan
kopo si Rex." -Nathan
"Ako din Tita sasama,
Hindi mapapa ano si Rex."
-Miles
Sinamahan ako ni
Miles at Nathan papunta
sa pinagdalhan kay
Mommy.
Wala akong paki kung
awayin na naman ako ni
Andrea pero hindi ko
sya papatulan.
"Anong ginagawa mo
dito?! Umalis kana!
Hindi ka namin kailangan
dito!!"
Tinulak tulak at
sinigawan ako ni Andrea
pero hinayaan ko lang
sya dahil ang mas
importante sakin ang
malaman ang kalagayan
ni Mommy.
"Andrea stop it!
mag-aaway na naman
ba kayo dito??!"
Saway samin ni kuya
Sam
"Kuya paalisin mo yang
Baklang yan,
Baka hindi ko alam kung
anong magagawa ko
sa kanya!"
"Gusto ko lang naman
malaman yung kalagayan
ni Mommy,
Promise hindi ako mag
tatagal aalis agad ako."
"Lumayas ka!! Hindi ka
namin kailangan dito!"
Napaiyak nalang ako
dahil sa galit ni Andrea
sakin tinulak tulak at
sinigawan nya ako,
Hindi ako makalaban
kasi kung lalaban ako
mas lalong lala ang
sitwasyon.
"Ikaw sumusobra
kanang babae ka!"
Hindi ko akalain na
sasabunutan ni Miles
si Andrea at syempre
hindi rin naman nag
patalo yung isa.
Mabuti nalang at napag
hiwalay sila nila Kuya
at Nathan.
"Tama na! Hindi ba
talaga kayo titigil!?"
Pati si kuya Sam
nagalit nadin.
"Pagsabihan mo yang
kapatid mo!
At yang magaling nyang
alalay na lumayas dito!"
-Andrea
My Loves,Miles tara na
umuwe nalang tayo."
"Mabuti pa nga at
umuwe na kayo,
At wag na din kayong
babalik." -Andrea
Wala akong nagawa
kundi ang umuwe
nalang kasama si
Nathan at Miles.
Sana okay lang si
Mommy.
Sana magising na sya
at makapag sorry ako
dahil sa pag-sira ko
sa Birthday nya.
Kahit masakit ay
napilitan akong umalis,
Wala nading nagawa
si Nathan at Miles
kasi kung papatulan
namin si Andrea
sigurado ako magka
kagulo na naman.
"My Loves tara na
umuwe na tayo."
"Oo nga be magpahinga
kana muna sobrang
gulo ang nangyari
ngayong araw." -Miles
"Tama kayo,
Siguro palipasin na
muna natin ang galit
ni Andrea."
Sumabay na samin si
Miles pauwe dahil
gamit naman ni
Nathan yung kotse nya
at sa bahay na muna
sya dumiretso.
"Anak kamusta ang
Mommy mo?"
Tanong ni Mama
pagkadating namin.
"Hindi kopo alam."
"Bakit anong nangyari?"
-Mama
"Pinagtabuyan po kasi
sya ng ate nyang bruha."
-Miles
"Ano??! Sinasabi kona
nga ba dapat sumama
ako." -Mama
"Ma hayaan napo natin
sya, Kasalanan kodin
naman kasi."
"Wala man lang ginawa
ang Daddy mo?"
-Mama
"Wala po don si Daddy,
Si kuya sinubukang
awatin si Andrea kaso
kami nalang ang umalis
para walang gulo."
"Hindi ko talaga alam
kung anong klaseng
pagpapalaki ang
ginawa nila sa batang
yon at naging ganon
ang ugali nya."-Mama
"Magpapahinga napo
ako Ma,
Napagod nadin kasi
ako sa mga nangyari."
"Sige anak."
"Samahan kona muna
sya tita."
Sinamahan ako ni
Miles sa kwarto ko at
tinabihan nya ako.
"Dapat hindi ko nalang
pinatulan si Andrea
edi sana hindi nag
kagulo at hindi
nahimatay si Mommy.
Kasalanan ko to eh
dapat umiwas na
ako."
"Wala kang kasalanan
Rex, yung ate mong
pinaglihi sa sama ng
loob sya yung may
kasalanan atsaka
kitang kita ng lahat na
sya ang nag-umpisa."
-Miles
"Naging mabait naman
ako diba?
Pinilit kong tanggapin
nya ako kahit mahirap,
Tiniis ko lahat ng
masasakit na salita
galing sa kanya kasi
gusto ko magkaayos
kami at matanggap
nya ako bilang kapatid.
Kulang paba yon?"
"Ang kaso ayaw nya
talaga sayo,
Muntik kana ngang
mamatay dahil sa
kanya diba?" -Miles
"Pero alam moba
Miles?
Kahit ganon sya sakin
mahal na mahal kopa
din sya bilang Ate ko.
At umaasa padin ako
na isang araw mag
kakabati din kami."
"Ang tanong kailan?
Eh wala nga ata
syang balak na
makipag bati sayo,
Sa tuwing nagkikita
kayo laging nagka
kagulo.
Hindi naman sa
sinisiraan ko ang
kapatid mo pero ayon
kasi ang lumalabas
at alam kong napa
pansin mo din yon."
-Miles
"Ano bang dapat
kong gawin?
Sa totoo lang gulong
gulo na ako,
Sa sitwasyon ko na
kailangan kong
sumama sa isang
Pamilya at iwan ang
isa doon palang
gulong gulo na ako "
Niyakap ako ni Miles
at sinandal sa balikat
nya.
Ngayon nalang ulit
kami nagkausap nang
ganito,
Yung seryoso madalas
kasi puro lokohan at
asaran lang.
"Minsan hindi
masama na tanggapin
sa sarili mo na hindi
mona kaya,
Na nasasaktan at
nahihirapan kana.
mas mabuti nang
maging mahina sa
paningin ng iba
kesa naman mag
panggap ka na masaya
at matapang pero
deep inside gustong
gusto mona sumuko.
Kaya kung talagang
gulong gulo kana
umiyak ka lang,
Dahil ang pag-iyak
mo ay first step para
mas lalo kang
tumibay."
"Miles salamat.
Salamat din sa pag
tatanggol sakin."
"Wala yon ano kaba,
Syempre magkaibigan
tayo diba?
At ang magkaibigan
nagdadamayan."
Niyakap ko ng
mahigpit si Miles,
Hindi lang kaibigan
ang turing ko sa
kanya kundi parang
isang tunay na
kapatid na.
"Mukhang malalim
ata ang pinag-uusapan
nyo." -Nathan
"Nandyan kana pala
Nathan,
Nagdadramahan lang
kami nito ni Rex."
"Gusto nyo sa labas
na muna ako?
Para makapag-usap
pa kayo?" -Nathan
"Hindi na.
Aalis nadin kasi ako."
-Miles
"Gusto mo ihatid na
kita?" -Nathan
"Kaya kona,
Mas kailangan ka dito
ni Rex." -Miles
Hinatid nalang namin
si Miles sa hanggang
sa sakayan at pag
katapos ay bumalik
nadin kami ni Nathan.
"My Loves nakaka
pagod ngayong araw
noh?"
" Sinabi mopa."
"Ano kayang magan
dang gawin?"-Nathan
"Ang magandang
gawin ay matulog na
tayo."
"Pero hindi pa ako
inaantok" -Nathan
"Nathan anong
ginagawa mo??"
"Ano paba My Loves?
Diba malungkot ka?
Edi papaligayahin
kita."
Gumiling giling si
Nathan si Harap ko
tapos tinanggal yung
damit nya at pinaikot
ikot,
Jusme para ako nasa
Club kung saan may
macho dancer.
"Itigil mo nga yan!
Ang sagwa!"
Tumigil naman si
Nathan at lumapit
sakin.
"Bakit My Loves?
Ayaw moba?
Pangit naba ang
katawan ko?
Pangit naba ako?
Sawa kana ba sakin?"
-Nathan
"Anong sinasabi mo
syempre hindi!"
"Eh bakit mo ako
pinapatigil at sinabi
mopa na ang sagwa?
" -Nathan
"Kasi nga ang sagwa
talaga,
Atsaka naiilang ako
sa ginagawa mo
hindi ako sanay."
"Eh ano bang gusto
mo ganito??"-Nathan
Dahan-dahang nilapit
ni Nathan ang mukha
nya sa mukha ko
ako naman ay
umatras.
Kainis talaga si
Nathan talagang
gusto nya akong
E seduce.
Lapit sya ng lapit sakin
ako naman atras ng
atras hanggang san
hindi ko napansin na
nasa dead end na pala
ako ayon nahulog ako
sa kama ko at naunang
tumama yung pwetan
ko kaya napasigaw ako
sa sakit.
"Arraaaayyyyy!!!!!"
Medyo napalakas
ang sigaw ko dahil
unang una masakit,
pangalawa nagulat
talaga ako haha.
Tinulungan naman
agad ako ni Nathan
makatayo tapos
mayamaya ay dumating
din sila Mama.
"Anak anong nangyari?"
-Mama
"Diba halata Ma?
Ang sakit ng pwetan
ko"
Oopppsss!!!
Wrong answer ata ako!
"Bakit anak?Pinilit kaba
ni Nathan?
Hindi moba kinaya?"
-Mama
"Na excite lang sya
Mama."Sabat naman
ni Nathan.
"Ah ganon ba?"
"Ano bang pinagsasabi
mo Ma? Nahulog ako
at unang tumama
yung pwet ko kaya
ang sakit."
Naka ngiti lang si
Mama at Nathan.
"Sige na Matulog na
kayo."
Mabuti pa si Papa
hindi nakikisali sa
kalokohan nila Mama.
"Next time na may
gagawin kayo,
Wag masyadong
maingay kasi naka
kahiya sa mga kapit
bahay."
"Ma!!!???"
Nang-asar pa talaga
si Mama bago sila
umalis ni Papa.
"Ano My Loves ituloy
naba natin?"
Sinamaan kolang si
Nathan nang tingin.
"Ituloy mo mag-isa
mo matutulog nako!
ang sakit kaya!"
Hindi ko nalang
pinansin si Nathan
dahil pagod nadin ako
at wala akong balak
gawin ang gusto nya,
Bahala sya sa buhay
nya haha.
"Rex!!???? Gising na!!!!"
Nagising nalang ako
dahil may yumuyugyog
sakin.
Kainis naman oh sino
bayon????
"Ano tulog mantika
lang??Di kana bata
pero ang hirap mo pa
ding gisingin."
"Si Mama ang aga-aga
nagrarap na naman,
Ano bayon??"
"Bumangon kana dyan,
Asikasuhin at ayusin
mo ang sarili mo dahil
kanina pa nag-aantay
ang mga kaibigan mo
sa labas."
"Ha?Mga kaibigan?
Sino naman?"
"Basta bilisan mona,
magbihis ka tapos
ayusin mo yung sarili
mo at lumabas kana."
Kahit hindi maintin
dihan ang ibig sabihin
ni Mama ay sinunod
ko padin sya,
Wala naman kasi akong
naalala na may lakad
ako ngayon.
Pati si Nathan na wala
sa tabi ko nang hindi
nagpapaalam sakin
at yung pwetan ko
masakit padin haha.
_____________
After ilang minutes ay
natapos nadin ako at
agad na dumiretso sa
labas at hindi ko
inaasahan ang nakita
ko.
"Miles?Jasmine?Nicole?
Tyrone? Irish? Kenji?
Sheena? Mark? Dave?
Steve? Anthony?
Lahat kayo nandito??"
Hindi ako makapaniwala
na lahat ng mga kaibigan
ko ay nandito lahat at
magkakasama.
"Yes nandito kami
kanina pa at ikaw nalang
ang inaantay namin."
-Irish
"Totoo ba talaga to?
o baka na nanaginip
lang ako?"
"Do you want me to
slap you??" -Irish
"Hindi ka nananaginip
My Loves totoo sila."
-Nathan
"Sorry nalate ako,.
Ano tara na??"
Napalingon agad ako
sa pinanggalingan ng
boses at laking gulat
ko nang makita ko
si Dan.
"Dan? Ikaw din?"
"Oo My Loves,
Inimbitahan ko din si
Dan actually silang
lahat." -Nathan
"Pero bakit?anong
meron?"
"Alam ko kasing
sobrang stress kana
dahil sa mga nangyayari
sayo kaya naisip ko na
imbitahan sila para
naman maka bonding
ulit tayo at syempre
para sumaya kadin."
-Nathan
"Salamat Nathan."
Sa sobrang tuwa ko ay
niyakap ko sya nang
mahigpit.
"Ehem nandito kami oh."
Biglang banat ni Dave
kaya nagtawanan
silang lahat.
"Oh Rex bakit ka
nakahawak sa balakang
mo?
Siguro nakarami kayo
ni Pareng Natha kagabi."
Bigla akong namula
sa sinabi ni Tyrone,
Loko talaga tong lalaki
nato hindi man lang
iniisip yung sasabihin
nya.
"Loko ka!Nahulog lang
ako!"
"Magdadaldalan nalang
ba tayo dito o aalis na?"
Mataray na tanong ni
Irish.
"Oh ayan nagalit na
ang mahal na reyna
kaya tara na."-Jasmine
"Sandali wala pa akong
gamit."
"Wag kanang mag-alala
Rex naiayos kona para
sayo." -Nathan
Hindi ko maipaliwanag
ang nararamdaman ko,
Sobrang saya ko kasi
sa sobrang tagal ng
panahon nakasama ko
ulit ang mga kaibigan
ko at lahat ito ay dahil
kay Nathan.
(ANDREA'S POV)
-
Kasalukuyan kaming
nag-aantay sa paggising
ni Mommy,
Kasalanan to ni Rex
kung hindi na sana sya
pumunta sa Party ni
Mommy edi sana hindi
nangyari to.
"Asan ako?
Anong nangyari?"
Tanong ni Mommy nang
magising sya.
"Nawalan ka nang malay
after nang gulo." -Daddy
"Mommy may masakit
paba sayo?"
"Ayos lang ako,
Si Rex asan sya??
Ba't di nyo sya kasama."
- Mommy
"Ma ako yung nandito,
Ako yung kaharap mo
pero ano?
Si Rex padin ang hina
hanap mo?
Talagang pinaparamdam
mo samin na mas mahal
mo sya!"
"Andrea pwede ba?
Wag mong pagsalitaan
si Mommy nang ganyan."
-Kuya
"Bakit kuya?Totoo naman
diba?
Ikaw ni minsan ba hindi
mo naramdaman na
laging may kulang,
Na hindi buo ang atensyon
na binibigay satin ni
Mommy??"
"Anak hindi totoo yan,
Mg anak ko kayo kaya
pantay pantay lang ang
pagmamahal ko sa inyo."
"Pero bakit hindi ko yon
maramdaman?
Bakit kahit anong sabi
mo na Mahal mo kami ay
hindi ko maramdaman?"
"Stop it Andrea,
Mommy mo padin ang
pinagsasalitaan mo."
-Daddy
"Tutal nandito nadin
naman tayong lahat bakit
hindi pa tayo maglabas
nang sama ng loob.
Ikaw Daddy,Naging mabuti
kaba talagang Ama
samin?
Eh mas mahal mo pa
nga yang business mo
kesa samin na Pamilya
mo.
Ikaw kuya?Kung ayos
lang sayo na hindi pansinin
nila Mommy pwes
ako hindi."
"Andrea Anak,Makinig ka.
Mahal kita."
"Pero mas mahal mo si
Rex?Alam nyo minsan
sumagi na sa isip ko na
SANAY AKO NALANG
yung nawala baka na
sakin lahat ng atensyon
nyo, na SANAY AKO
NALANG si Rex baka
nakaramdam din ako ng
pagmamahal na matagal
konang gustong maram
daman mula sa inyo."
Niyakap ako nang
mahigpit ni Mommy,
Napaiyak nalang ako
dahil sa unang pagkaka
taon parang naramdaman
ko na mahalaga ako,
Na mahal nya ako.
(REX'S POV)
-
"Wow Tyrone ang ganda
nang bahay nyo.
Sinong nakatira dito?"
-Miles
"Nandito yung Lola't Lolo
ko sila ang nakatira dito,
Pero kapag may Time
kami pumupunta din kami
dito." -Tyrone
"Para namang Haunted
House to." -Irish
"Grabe ka talaga Irish,
Haunted house agad?"
-Sheena
"Uii tama nayan baka
marinig pa tayo ng lola't
lolo ni Tyrone"
saway ko sa kanila.
"Tara na pasok na tayo
sa loob." -Tyrone
Bumaba kaming lahat
sa van sumunod kay
Tyrone,
Medyo nakakatakot nga
yung bahay kasi luma na
at alam mo yung feeling
na may nagbabantay na
mga multo haha.
"Sila ba ang mga bisita
mo Apo?"
"Ay mama mo kalabaw!"
-Miles
Nagulat kami nang
biglang may nagsalita
sa likuran namin.
Isang matandang Babae
ang nakatayo sa likuran
namin, lah?
Pano sya napunta dyan?
Kanina lang wala sya
dyan.
"Ah eh Guys, Sya Pala
si Lola Trinidad ang Lola
ko."
"Pasensya na kayo kung
naguklat ko kayo"
"Medyo lang naman
po Lola." -Miles
"Lola asan po si Lolo
bakit kayo lang mag-isa?"
-Tyrone
"Nandon sa likuran
nagpapakain ng mga
alaga nya." - Lola
"Ganon po ba?
Sila nga po pala ang mga
kaibigan ko at si Nicole
ang asawa ko."
"Magandang hapon po
Lola ako po si Rex."
Lumapit ako kay Lola at
nagmano ako.
"Tara na pasok na muna
tayo sa loob para
mailagay na natin yung
mga gamit natin."
Yaya samin ni Tyrone
at sumunod naman
kaming lahat.
"Alam mo Tyrone kung
ipaparenovate nyo itong
bahay mas gaganda pa
Ito, Pwede ko kayong
matulongan." -Jasmine
"Talaga?Sige pag-iisipan
ko." -Tyrone
"Maganda yung lugar
nato,Very relaxing malayo
sa stress and Pollution
ng maynila." -Dan
"Pasensya na kayo ha?
Hindi masyado kalakihan
yung bahay namin,
Tatlo lang din yung
kwarto kaso kala Lola
Yung isa kaya hati nalang
tayong lahat sa dalawa."
-Tyrone
"Wala yon Tyrone,.
Ayos lang samin kahit sa
salas na nga lang kami
matulog eh."
"Mga bisita ko kayo
Syempre kaya gusto ko
maging comfortable
kayo." -Tyrone
"So ganito nalang
magkakasama ang mga
Girls, Syempre pati si
Rex kasama samin.
Tapos kayong mga boys magkakasama."
"Wait lang Hindi naman
ata tama yon,
Lugi kami mas marami
kaya kami." Sabat ni Dave
"Tigilan mo ako Dave,
Isa lang lamang nyo.
Anim kami Pito kayo di
kaba marunong mag
bilang?" -Miles
Si Miles talaga kahit
kailan hahaha parang
hindi nya nagustuhan
dati si Dave haha.
"Sshh tama nayan pati
tutulugan pag-aawayan
nyo pa.
Sige na okay na samin
yung sinabi ni Miles."
-Matthew
Mayamaya ay lumapit
sakin si Nathan.
"Ikaw My Loves?
ayos lang ba sayo?"
"Oo naman."
"Nathan kahit ngayon
lang maghiwalay na
muna kayo ni Rex,
Samin na muna sya."
-Miles
"Oo nga Tol hayaan
mona si Rex matulog
kasama sila Miles."
-Dave
"Sige na nga." -Nathan
Ipinasok na muna namin
sa kanya-kanya naming
kwarto yung mga gamit
namin para nadin
makapag-ayos na kami.
"Sorry pala sa kwarto
na to ha?
Maliit lang kasi,
Yung gusto sa kama
doon nalang ako kahit
sa sahig." -Nicole
"Ako din kahit sa sahig
ang sarap kaya sa sahig."
-Miles
"Bahala kayo basta ako
sa kama." -Irish
"Kung hindi kalang
namin kaibigan Irish
baka kanina kapa namin
nakalbo dahil sa kaartihan
mo." -Jasmine
"Anong sinabi mo?"
"Tama nayan,baka kung
saan pa umabot yan."
Saway ko sa kanila.
"Okay sige ang matutulog
sa kama si Jasmine at
Irish kami nalang nila Rex
sa lapag." -Miles
"Oo ayos lang yon samin."
-Sheena
Hindi na katulad nang
dati si Irish,
Oo may pagka maarte
sya pero nagbago na sya
hindi na sya yung dating
mapanakit at gumagawa
nang gulo.
(NATHAN'S POV)
-
"Hoyy gandang reunion
nito, Yung First Love,
Yung First Boyfriend,
Ultimate Crush at First
kiss magkakasama
ngayon."
Natigil kaming lahat sa
pag-aayos dahil sinabi
ni Dave.
Nagkatinginan din
kaming tatlo,
Pero anong sinasabi
niyang First kiss?
Binato ko sa kanya yung
bag na dala ko mabuti
nalang at nasalo nya
dahil kung hindi tatama
yon sa mukha nya.
"Gusto mo gulpihin kita
ngayon?"
"Haha sorry na Boss
Nathan,Nag bibiro lang
ako." -Dave
"At anong sinasabi
mong First kiss?
Ako ang First kiss ni
My Loves."
"Tanungin mo nalang
si Tyrone." -Dave
Napatingin ako kay
Tyrone at napakamot
sya sa ulo,
Mayroon ba akong
dapat malaman?
"Ah eh ano kasi yon
Nathan,Dati pa yon...
deal lang at sakto si
Rex yung nandon at
dahil wala akong
choice kaya hinalikan
ko sya.
Atsaka matagal nayon
at hindi pa kayo non."
-Tyrone
Lumapit ako kay Tyrone
at napaatras sya.
"Relax tol di naman
ako nagagalit,
Kiss lang naman yon
atsaka ako naman ang
nagwagi sa puso ng
My Loves ko."
"Yan ang gusto ko sayo
Nathan nag matured
kana talaga,
Hindi na ikaw yung
sumusugod kahit hindi
alam yung totoo."
-Matthew
"Syempre naman,
Di na tayo mga bata
kaya dapat kalimutan
na natin ang mga bagay
na hindi naman dapat."
"So okay na kayong
tatlo?" Biglang tanong
ni steve at nagka
tinginan ulit kaming
tatlo.
"Oo naman,hindi naman
kami nag-away at may
kanya kanya nadin
kaming mga buhay."
Sagot ni Dan.
"Tama sya,
Tapos na yung mga
panahon na may
Team Bestfriend,
Team Crush...
dahil nanalo na ang
Team Pinsan." -Mark
"Kayo talaga pinag-
aaway nyo kami."
"Hindi naman boss
nag-tanong lang."
Maamong sagot ni
Dave.
Tapos na ang mga
panahon ng pagseselos
at pagtatalo naming
tatlo,
Nakausap kona din
naman sila.
===FLASHBACK==
"Anong ginagawa mo
dito?"
Nagulat ako ng bigla
akong puntahan ni Dan
sa office ko.
"Hindi ako nagpunta
dito para makipag away.
I just wanted to talk
to you."
Tumayo ako sa pwesto
ko at pinasunod ko sya,
Ayoko kasi na mag-uusap
kami na may ibang tao
na nakakarinig na dapat
samin lang.
"Anong sasabihin mo
sakin,
Pakibilisan nalang dahil
may trabaho pa ako."
"Umuwe ako dito hindi
para guluhin kayo ni Rex,
Umuwe ako dahil sa
Nanay ko,.
Umuwe ako para makita
yung mga kaibigan ko.
Oo mahal ko si Rex
pero hanggang doon
nalang yon,
Hindi ko sisirain kung
anong meron Kayo.
Sabi nga nila kapag
mahal mo ang isang tao
hahayaan mo sya na
maging masaya.
Gusto kolang kunin
yung chance nato para
mag sorry at sana
maging magkakaibigan
padin tayo."
Kahit papano naging
kaibigan ko din naman
si Dan at alam kong
mabuti syang tao nag
mahal lang din
naman sya.
"Kalimutan na natin
ang nakaraan mag
focus na tayo sa kung
ano tayo ngayon."
"Salamat Nathan."
=END OF FLASHBACK=
(REX'S POV)
-
Kinagabihan ay sabay
sabay din kaming
naghapunan,
Ipinagluto kami ng
Lola grabe ang sarap
nya magluto kaya
naparami kami ng kain.
"Tyrone ang sarap
magluto ng Lola."
Masaya kong sabi sa
kanya.
"Talaga, salamat."
-Tyrone
"Halata nga My Loves,
Dami mong nakain eh.
Nako tumataba kana
pano pa kita mabubuhat
nyan?" -Nathan
"Ah ganon?Personalan?"
"Oo nga Rex tumataba
ka." Dagdag pa ni Mark
"Si Nathan kasi kung
ano ano pinapakain
kay Rex kaya tumataba."
Pang-aasar pa ni Dave.
"Ako tigilan nyo ako,
Di ako mataba okay?
Kumain na nga kayo."
"Pero kahit tumaba pa
yan si My loves mahal
na mahal kopa din yan."
Hinawakan ni Nathan
yung isa kong kamay
habang kumakain kami.
"Ayy sana all." - Dave
Yung mga kaibigan ni
Nathan mana din sa
kanya,
Madalas mang asar
pero mas madalas
may topak haha.
"Wala padin kayong
pinagbagong lahat ang
iingay nyo padin."-Irish
Natahimik kaming
lahat kasi nagmaldita
na naman sya haha
pano kaya sya hina-
handle ni Kenji?
Sabagay bully din
naman si Kenji kaya
bagay din talaga sya.
"Ikaw din hindi ka
padin nagbabago
maldita kapa din,
Pero okay lang
nasanay din naman
kami sayo."-Jasmine
"Tama na yan
kumain nalang tayo."
Hindi kami madalas
magsamasama pero
pagnasamasama
kami para kaming
mga bata na palaging
nag-aasaran ang
matalo kawawa haha.
Pag-katapos naming
kumain ay ako na ang
nagpresinta na mag-
hugas nang pinag
kainan namin,
Nakakahiya naman
kasi kung iiwan lang
namin basta basta.
"Gusto mo tulungan
na kita?"Tumabi sakin
si Sheena at nilagay
sa lababo yung ibang
hugasin.
"Sige kung okay lang
sayo."
"Nakita pala namin si
Miles nung nakaraan
at kasama nya yung
kuya mo."
"Talaga?Bakit daw sila
magkasama?"
"Parang nagdedate
sila eh."
"Kaharutan talaga ng
Miles nayon haha,
Pero okay lang yon
bagay naman sila ni
Kuya."
"Haha oO nga."
Nagkwentuha pa kami
ni Sheena habang
nahuhugas ng plato,
Nagsorry din sya sakin
sa mga nagawa nya
dati sabi ko nalang
ayos nayon at wag na
natin balikan.
Kinabukasan ay
nagyaya si Tyrone na
maligo daw kaming ilog,
Dahil may ilog daw
na malapit dito sa
bahay nila.
Naexcite naman kaming
lahat kaya ayon dali
dali kaming nagpalit.
"Nathan bakit topless
ka?"Pagsusungit ko
sa kanya.
"Syempre maliligo tayo,
Alangan naman mag
long sleeve ako tapos
pajama?" -Nathan
"Bahala ka nga dyan."
"Ikaw nga ang ikli ng
short mo." -Nathan
"Short nga diba?
May short bang
mahaba?"
"Oii kayong dalawa
dyan bilisan nyo na."
Hindi halatang excited
si Miles haha.
"My Loves wag kana
magalit,Tara na sunod
na tayo sa kanila.
"Ang ganda talaga dito
may ilog pa."
"Omg! i am ready!
Tara na guys!"
Tumakbo na papuntang
ilog si Miles kasama
yung iba pa,
Si Matthew, Si Tyrone,
Si Steve, Si Sheena At
si Jasmine.
"My Loves tara na?"
"Sige na Nathan mauna
kana susunod nalang ako."
Sumunod nadin si
Nathan kasama si Dan.
"Sigurado ba kayo na
malinis dyan?
Baka mangati ako."-Irish
"Babe malinis yan
syempre,Hindi naman
tayo dadalhin nin
Tyrone sa ikakapahamak
natin." - kenji
"Oo nga Irish kaya tara
na, Ang sarap kaya."
-Nicole
Ang saya nila
pagmasdan para kaming
bumalik sa pagkabata.
"Bakit dika sumama
sa kanila?
Ayaw moba maligo?"
Tanong sakin ni Mark
"Alam mo naman diba?
Di ako marunong
lumangoy baka imbes
na mag enjoy tayo ay
masira ko lang."
"Halika ka nga dito."
Biglang hinawakan ni
Mark yung kamay ko
at hinila palapit sa
kanila.
"Mark sandali lang."
"Tuturuan kita
lumangoy para naman
makapag enjoy kadin,
Wag ka mag-alala
magpapaalam ako
kay Nathan."
Pumunta si Mark sa
gawi nila Nathan at
kinausap nya ito at
ilang saglit lang ay
bumalik na sya.
"Okay na pumayag na
ang Boyfriend mo."
"Eh si Sheena?"
"Rex?Wag kang matakot,
Bestfriend tayo diba?
Atsaka walang
malisya to.
Ewan ko lang sayo mark."
Hinampas ko nang
mahina si Mark.
"Dami mong sinasabi
turuan muna ako."
So ayon na nga tinuruan
ako ni Mark ng basic
steps (taray noh!?)
Para matuto akong
lumangoy.
At ang lalaki may pag
hugot pa alam nyo ba
sabi nya?
Syempre hindi kopa kasi
Alam,
Dipa naman sinasabi
haha.
Ang paglangoy daw
parang pagpasok sa
bagong relasyon,
Kailangan mong
pakawalan ang lahat
ng bigat na nararam
daman mo hanggang
sa gumaan ang
pakiramdam mo at
maging okay lahat,
Dahil kung hindi mo
gagawin yon dadalhin
ka ng agos sa Hindi
tama.
"Mark ang hirap naman
diko padin magets,
Lumulubog padin ako
kahit anong gawin ko."
"Hay nako Rex mag
floating ka aalalayan
kita,
kain ka kasi ng kain
yan tuloy bumigat ka."
-Mark
"Ah ganon bastusan? "
"Hahaha joke lang ito
naman hindi mabiro,
Sige na ituloy na natin."
Hindi ko nalang
pinansin si Mark at
nagpaturo na ulit ako,
Kailangan ko din
matuto para naman
next time na may
magtulak sakin ay hindi
nako malulunod.
"Mark tama ba ang
ginagawa ko?"
"Oo ganya nga,
Ipagpatuloy molang
yan sigurado ako
mamaya lang magaling
kana lumangoy."-Mark
"Mukhang natututo
kana Rex."
Mayamaya ay lumapit
samin si Sheena.
"Oo nga eh,magaling
kasi instructor ko."
"Sinabi mo pa haha."
Binasa ko nalang ng
tubig si Mark sa mukha
ang yabang kasi
eh haha.
"Dyan na nga kayo."
"Oh san ka pupunta?
Dika pa nga tapos eh."
-Mark
"Ayos nayon, Pupunta
muna ako kala Nathan.
Salamat."
Natutunan kona
naman na ang basic
step at kahit papano
ay nagagawa konang
pagaanin ang sarili ko
kaya pumunta na ako
kala Nathan,
Kaya lang nandon sila
sa may Dulo at
kailangan kong
lumangoy para maka
lapit sa kanila.
So ayon kahit diko pa
sure kung kaya ko ay
sinubukan ko pa din
kaya lang mukhang
hindi kopa ata kaya
dahil nang nasa gitna
na ako ay nalunod ako!
"Tulong!!!! "Ubod lakas
kong sigaw kaya
napatingin ang lahat
sakin.
Kita kong agad na
lumangoy si Nathan
papunta sakin at
tinulungan ako.
"My loves!!!"
Hinawakan ako ni
Nathan sa bewang at
dinala ako sa
mababaw na parte.
"My Loves!!??? Ayos
kalang ba?????"
"It's a prank!
Hahahahaha di ako
nalunod ni try ko lang
kung mag-aalala ka."
Di talaga ako nalunod
guys gusto kolang
talaga asarin si Nathan
kasi nga diba kagabi
panay asar nya na
tumaba daw ako!
"Bakla ka!Pinag-alala
mo kami!
Dyan kana nga!"
Nagsibalikan silang
lahat sa pag-ligo ng
malaman na ayos
lang ako.
"My Loves hindi
nakakatuwa yung biro
mo,Pinag-alala mo ako."
"Prank nga diba?"
"Tsk,Akala mo natutuwa
ako?" -Nathan
"Galit kana nyan?"
"Oo galit ako.
Kaya kailangan
pakalmahin mo to."
"Ha??"
Diko na gets yung
sinabi ni Nathan,
Basta binuhat nya
nalang ako at hindi ko
alam kung saan nya
ako dadalhin.
Kita nyo na?
Lakas ng topak nitong
lalaki na to.
ABANGAN ANG NEXT
CHAPTER...
PLEASE LIKE AND COMMENTS
GOD BLESS YOU😘😘😘
Comments
Post a Comment