SANAY AKO NALANG(CHAPTER 7)SEASON 3

 

PINOY M2M STORY

=SANAY AKO NALANG=
---CHAPTER 7---

(REX'S POV) 
-
"Bhhhe ang ganda 
talaga ng kwarto mo, 

Lalo na yung buong bahay 
nyo sobrang yaman talaga 
ng pamilya mo."

"Alam mo Miles hindi ko 
naman kailangan ng  

yaman dahil ang mas
kailangan ko ang masaya 
at kompletong Pamilya."

Balewala ang lahat ng 
karangyaang nararanasan ko 

kung hindi ko kasama 
yung Pamilyang kinalakihan 
ko. 

Sabihin na natin na unti 
unti kona ding minamahal 
ang Pamilya Montes, 

pero sa kabilang Banda 
hindi ko padin maiwasan 

ang maalala sila Mama 
at Papa.

"Oh Be bakit parang 
natulala ka? 

Naalala mona naman ba 
sila tita at tito?"

"Oo,Gustong gusto ko sila 
Puntahan para kamustahin 
at mayakap, 

pero hindi ko magawa kasi 
ayokong may masasaktan."

"Pwede mo naman sila 
dalawin diba? 

Kahit patago lang para 
kahit hindi mo sila 
nahahawakan, 

nalalapitan at nayayakap 
Atlis nakikita mo sila diba." 
-Miles

"Miles pwede ba akong 
humingi ng pabor sayo?"

"Ano yon? Kahit ano basta 
para sayo." -Miles

"Pwede bang lagi mong 
bisitahin sila mama at 
Papa? Pati si Kyline?"

"Yun lang ba?
 Oo naman basta ikaw."
 - Miles
"Salamat"

"Pero maiba tayo, 
Nabanggit sakin yung kuya 

mo na hindi kadaw dito 
natulog kagabi? 

Doon daw kala Andrew?
 Sino yon?" -Miles

"Si Andrew ex yon ni 
Andrea, 

Hindi ko kasi sya maiwan
kagabi dahil lasing na 

lasing at walang 
magbabantay sa kanya. 

Wag mo nalang sana 
sabihin to kay Nathan 
baka magalit payon sakin."

"Ako paba Rex? 
Wag kang mag-alala hindi 

to makakarating kay
Nathan." -Miles

Kayo na ang magsabi 
kung dapat ba akong 
maniwala sa kanya? 

haha kilala ko kasi itong 
kaibigan ko nato, 
Madaldal to hehe.

"Talaga ba?"
"Oo promise" -Miles

Nagkwentuhan pa kami 
ni Miles ng mga maraming 

bagay, About sa family ko 
at pati sa pagkagusto nya 
kay Kuya.

Itong si Miles talagang 
na love at first sight sa 
kuya ko,

Gusto pa nga nya dito 
matulog kaya lang baka 

masabunutan daw sya 
ng nanay nya.
--------
Gabi na umalis si Miles 
samin dahil hindi namin 

namawalayan yung oras 
actually kulang pa nga 
yung time namin.

"Be una na ako."
"Sigurado kaba na hindi 
ka magpapahatid?"

"Sino ba maghahatid sakin 
si Samuel?  
Kung sya go ako." -Miles

"Loookaaa ka talaga, 
Nandon yon sa kwarto 
nya nakakahiya."

"Haha biro lang. 
Sige una na ako wag

 mona akong isipin kaya 
kona sarili ko."

"Wait lang, 
Antayin mo ako." 
Pagpigil ko sa kanya.

Tumakbo ako papunta 
sa isa sa mga Driver

namin, Para makisuyo 
kung pwede ipahatid si 
Miles. 

Hindi naman ako nabigo 
dahil pumayag sya.

"Nakakahiya naman Be."

"Okay lang yan, 
alam mo namang Love 

na love kita kaya 
ipapahatid kita haggang 
sa inyo."

"Salamat talaga."

Yumakap muna sakin si 
Miles bago sumakay sa 

Van at tiningnan hanggang 
sa makaalis sya.

"At sino nagsabi sayo na 
pwede mong ipagamit 

ang mga sasakyan dito na 
walang paalam?"

Napaharap agad ako ng 
marinig ang boses ni 
Andrea.

"Gabi na kasi delekado 
Kung maglalakad pa sya."

"Marunong nga sya 
pumunta dito kaya dapat 

marunong din syang 
umuwe." -Andrea

"Sorry, Ako nalang ang 
mag eexplain kala 
Mommy."

Lumapit sakin si Andrea 
at tiningnan ako ng 

masama mula sa ulo 
hanggang sa paa.

"Hindi porket, 
Nalaman mo na isa kang 

Montes magagawa mona 
kung anong gusto mo. 

Just a sister advice, 
Hindi ka magiging prinsesa 

Pagkatapos nyang sabihin 
yon ay tinalikuran nya ako 
at pumasok na sa loob. 

Sumunod din naman 
ako papasok.

"Saan kayo galing 
dalawa?" Bungad samin 

ni Mommy nang makita 
kami.

"Nagpahangin lang po 
ako sa labas."Palusot ko.

"Ganon ba?
 Sige na magbihis na kayo 

at may darating na bisita 
ang Daddy nyo." -Mom

"Sino po?"
"Wag kana nga mag
 tanong,

At kung gusto mo 
magkulong ka nalang sa 

kwarto mo at wag kana 
lumabas co'z  I'm pretty 

sure na hindi ka naman 
mag eenjoy kasi galing ka 
naman sa eskwater."

"Stop it Andrea, 
Hindi mo dapat pinag

sasabihan ng ganyan 
ang kapatid mo." -Mom

"Okay lang po, 
Totoo naman kasi."

"See? i'm just telling the 
truth mabuti nga concern 
pa ako." -Andrea

"Pero gusto ng daddy 
nyo na kompleto tayo."

"Mom?Kelan lang naman 
sya dumating dito,

 Sanay naman tayo 
nawala sya. 

Kaya wala namang bago." 
-Andrea

"Sige po pupunta ako, 
Magreready na po ako."

Lalong sumama ang
 tingin sakin ni Andrea, 

Bahala na kung magalit 
lalo sya. 

Gusto ko man syang 
patulan pero nahihiya
lang ako kay Mommy.
--------
After kong mag-ayos 
ay bumaba nadin ako at 
kompleto na sila, 

Tumabi nalang ako kay 
kuya kasi kung kay Andrea 

panigurado mangga-
galaiti yon sa galit.

"Kuya kilala moba kung 
sino yung darating na 
bisita ni Daddy?"

"Hindi eh,Pero ang sabi 
lang nya anak daw yon 

ng yumao nyang kaibigan."
 -Kuya

"Oh ayan na pala yung 
hinihintay natin."

"Sorry po tito medyo
 traffic lang kasi."

"It's okay Dan,
Dipa naman kami nag 
sstart."

Halos kumawala yung 
puso ko sa katawan ko 

dahil sa sobrang kaba 
nang makita ko ulit Si 
Dan. 

Anong ginagawa nya 
dito????? 

"Sabay naming sabi na 
medyo ikinagulat din nila 
Mommy at Daddy.

"Magkakilala kayo?" 
-Mommy

"Opo schoolmates po
 kami when i was in 
Senior High to College."

Hindi ko pa naman 
pwedeng sabihin sa 

kanila na sya yung 
Crush ko na naging 

Boyfriend ko at ngayon 
ex kona.

"Wow what a 
coincidence." -Mom

"How's your day here 
Dan?" Tanong naman 
ni Daddy.

"Medyo nakakapagod 
po pero at the same

time excited kasi 
makakasama ko na ulit 
si Mama. 

At syempre makikita 
kona ulit yung taong 
pinakamamahal ko."

"Mukhang may 
Lovelife kana." -mom

"Wala nga po, 
Kasi yung taong mahal 
ko may mahal nang iba."

Napatungo nalang ako 
sa mga sinabi ni Dan, 

Alam ko kasi na ako 
ang pinapatamaan nya.

"Ayos kalang ba Rex?" 
Tanong sakin ni kuya, 

Napansin nya siguro na 
naiilang ako.

"Ah eh oO,
 Medyo sumakit lang 
ang ulo ko."

"Umakyat kana kaya sa 
kwarto mo para maka
pahinga ka." -Kuya Sam

"Excuse lang po, 
Babalik din po ako agad."

Tumayo ako at pumunta
sa terrace para 
magpahangin.

Bakit ba ako naiilang na 
nandito si Dan?

Siguro nahihiya dahil 
nasaktan ko sya?

Tumingin ako sa 
kalangitan at nag-aantay 
sa sagot sa tanong ko, 

kahit wala namang 
sasagot sakin.

"Iniiwasan moba ako?"

Napalingon agad ako ng 
may magsalita sa
 likod ko.

"H-ha?Nagpapahangin 
lang ako. 
ba't naman kita iiwasan?"

Ganon ba?  
Akala ko iniiwasan mo 
ako.  

Bakit nandito ka sa
mga Montes,? 

anong ibig sabihin nito." 
-Dan

"Isa din akong Montes, 
Parte ako ng Pamilyang
 ito."

"Ha?Paano nangyari yon? 
Diba may Pamilya ka?" 
-Dan

"Mahabang kwento, 
Pero sila talaga ang 
totoo kong Pamilya."

"Nakakabigla naman." 
-Dan

"Kahit ako nabigla din, 
Na yung kinalakihan 

kong Pamilya ay hindi 
ko pala totoong Pamilya. 

Masakit na malaman 
pero ito yung totoo. 

kaya kahit masakit mas 
pinili ko ang Tama."

"Sila Tito at Tita kamusta 
sila?"

"Sa totoo lang wala 
nadin akong balita sa 
kanila, 

Kung okay lang ba sila 
o ano. 

Kasi natatakot ako na 
makita sila baka mas 

lalo lang akong 
mahirapan na mag 
move on."

"Saglit lang ako nawala 
pero sobrang dami na 
palang nangyari."

"Sobra talaga pero sa 
kabila non pinipilit ko 

pading magpatuloy dahil 
marami akong rason 

para magpatuloy sa 
buhay."

"At isa nadon si Nathan?"
 - Dan

"Oo,Sobrang thankful ako 
kasi dumating si Nathan 
sa buhay ko, 

Kayo din na mga 
kaibigan ko sa inyo ako 
humuhugot ng lakas."

"Lumipas man ang 
panahon pero yung 

pagmamahal ko sayo 
hindi padin lumilipas"
 -Dan

"Dan,Masaya na ako sa 
kung ano ang meron
ako."

"Alam ko Rex, 
At wala naman akong 

balak na manggulo o 
guluhin kapa. 

Kahit nasa ibang bansa 
ako ay ikaw at ikaw padin 

ang laman ng puso't isip 
ko pero alam ko naman 

ang limitasyon ko at sapat 
na sakin na magkaibigan 
tayo."

"Salamat,Masaya ako na 
nakabalik kana ulit. 

sana magkabonding pa 
tayo hindi yung ganito 
masyadong madrama."

"Oo naman basta ikaw, 
Anytime, Anywhere and 
anyplace."

Sabay kindat pa sakin, 
Haha loko talaga to si 
Dan. 

Niyakap ko nang 
mahigpit si Dan dahil na 

miss kodin sya nang 
sobra wala namang ibig 

sabihin yon friendly hug 
lang ba kung baga.

"Rex? Dan?"

Napabitaw agad ako 
sa pagkakayakap kay 

Dan nang marinig ko 
ang pamilyar na boses. 

Boses yon ni Nathan 
hindi ako pwedeng 
magkamali.

Hawak hawak ni 
Nathan si Baby Nathan

(Teddy Bear) at ang 
sama ng tingin samin.

Ilang segundo din 
syang nakatingin samin 

at pati ako ay hindi ko 
na din nagawang 
magsalita.

Tinalikuran kami ni 
Nathan at naglakad 
palayo, 

Sinundan ko din naman 
agad sya.

"Nathan sandali lang! 
Magpapaliwanag ako."

Tumigil si Nathan sa 
paglalakad at lumapit 
sakin, 

Kitang kita ko ang galit 
sa mukha nya.

"Noong una si Mark, 
Tapos ngayon si Dan? 

Kelan pa kayo nagkikita 
ni Dan?"

"Nathan ngayon lang, 
Magkakilala pala sila 
ni Daddy."

"Gusto kong maniwala 
sayo My Loves pero 

nasaktan ako sa 
nakita ko. 

Yakap yakap mo yung 
Ex mo! 
Ex mo nayon My Loves!"

"Kaya nga magpapa
liwanag ako, 

Pakinggan mo muna 
kasi yung side ko. 

hindi yung nagagalit 
ka dyan."

"So ako pa pala ang 
may kasalanan ngayon? 

Sorry ha?Kung medyo 
OA ako! 

Nakita ko lang naman 
kasi na magkayakap 
kayong dalawa. 

dapat pala matuwa 
pa ako!" -Nathan

"Masama naba yakapin 
ang kaibigan?"

"Para sayo hindi.. 
kasi lagi mo namang 

ginagawa yan sa mga 
kaibigan mo, 

Pero pano ako 
My Loves??!!" -Nathan

"Sorry kung nasaktan ka 
nang dahil sa ginawa ko 

pero kaya kong 
ipaliwanag kung bakit 
ko nagawa yon."

Nakakainis na minsan 
si Nathan grabe sya 

magselos onting bagay 
lang magagalit na agad 

na hindi alam kung ano 
yung dahilan.

Mayamaya ay biglang
 dumating si Dan.

"Tama si Rex, Nathan. 
Walang kahulugan yung 
pagyakap nayon, 

"At isa nadon si Nathan?"
 - Dan

"Oo,Sobrang thankful ako 
kasi dumating si Nathan 
sa buhay ko, 

Kayo din na mga 
kaibigan ko sa inyo ako 
humuhugot ng lakas."

"Lumipas man ang 
panahon pero yung 

pagmamahal ko sayo 
hindi padin lumilipas"
 -Dan

"Dan,Masaya na ako sa 
kung ano ang meron
ako."

"Alam ko Rex, 
At wala naman akong 

balak na manggulo o 
guluhin kapa. 

Kahit nasa ibang bansa 
ako ay ikaw at ikaw padin 

ang laman ng puso't isip 
ko pero alam ko naman 

ang limitasyon ko at sapat 
na sakin na magkaibigan 
tayo."

"Salamat,Masaya ako na 
nakabalik kana ulit. 

sana magkabonding pa 
tayo hindi yung ganito 
masyadong madrama."

"Oo naman basta ikaw, 
Anytime, Anywhere and 
anyplace."

Sabay kindat pa sakin, 
Haha loko talaga to si 
Dan. 

Niyakap ko nang 
mahigpit si Dan dahil na 

miss kodin sya nang 
sobra wala namang ibig 

sabihin yon friendly hug 
lang ba kung baga.

"Rex? Dan?"

Napabitaw agad ako 
sa pagkakayakap kay 

Dan nang marinig ko 
ang pamilyar na boses. 

Boses yon ni Nathan 
hindi ako pwedeng 
magkamali.

Hawak hawak ni 
Nathan si Baby Nathan

(Teddy Bear) at ang 
sama ng tingin samin.

Ilang segundo din 
syang nakatingin samin 

at pati ako ay hindi ko 
na din nagawang 
magsalita.

Tinalikuran kami ni 
Nathan at naglakad 
palayo, 

Sinundan ko din naman 
agad sya.

"Nathan sandali lang! 
Magpapaliwanag ako."

Tumigil si Nathan sa 
paglalakad at lumapit 
sakin, 

Kitang kita ko ang galit 
sa mukha nya.

"Noong una si Mark, 
Tapos ngayon si Dan? 

Kelan pa kayo nagkikita 
ni Dan?"

"Nathan ngayon lang, 
Magkakilala pala sila 
ni Daddy."

"Gusto kong maniwala 
sayo My Loves pero 

nasaktan ako sa 
nakita ko. 

Yakap yakap mo yung 
Ex mo! 
Ex mo nayon My Loves!"

"Kaya nga magpapa
liwanag ako, 

Pakinggan mo muna 
kasi yung side ko. 

hindi yung nagagalit 
ka dyan."

"So ako pa pala ang 
may kasalanan ngayon? 

Sorry ha?Kung medyo 
OA ako! 

Nakita ko lang naman 
kasi na magkayakap 
kayong dalawa. 

dapat pala matuwa 
pa ako!" -Nathan

"Masama naba yakapin 
ang kaibigan?"

"Para sayo hindi.. 
kasi lagi mo namang 

ginagawa yan sa mga 
kaibigan mo, 

Pero pano ako 
My Loves??!!" -Nathan

"Sorry kung nasaktan ka 
nang dahil sa ginawa ko 

pero kaya kong 
ipaliwanag kung bakit 
ko nagawa yon."

Nakakainis na minsan 
si Nathan grabe sya 

magselos onting bagay 
lang magagalit na agad 

na hindi alam kung ano 
yung dahilan.

Mayamaya ay biglang
dumating si Dan.

"Tama si Rex, Nathan. 
Walang kahulugan yung 
pagyakap nayon, 

Mahal na Mahal ka ni 
Rex at hindi ka nya 

lolokohin Kaya wag 
kang magagalit sa kanya. 

Pano Rex and Nathan 
uuwe na ako, 

pag-usapan nyo lang 
yan nang maayos."

Hindi naman nakaimik 
si Nathan sa mga sinabi 
ni Dan,

Gusto kopa sanang 
makabonding kahit 

saglit si Dan kaya lang 
nagagalit naman tong 
isang mokong. 

Nakatingin lang sa 
kawalan si Nathan at 
hindi nagsasalita.

Ako ba ang dapat 
unang magsasalita? 
O siya?

"My loves sorry, 
Mali ako sa part na 

nagalit agad ako sayo 
kahit hindi ko naman 
alam yung dahilan. 

Sorry kasi 
napakababaw ko."

Ramdam ko yung 
senseridad ni Nathan 
sa mga sinabi nya, 

Mahal na mahal ko
 sya at hindi ko din 

kayang magalit sa 
kanya.

Lumapit ako kay 
Nathan at niyakap ko 
sya.

"Sorry din kasi akala 
mo niloloko kita.

 Alam mong mahal na 
mahal kita at hindi ko 
gagawin sayo yon."

"Bati na tayo?"-Nathan

Nag-isip muna ako 
kunwari bago sumagot 
sa tanong nya.

"Hindi padin"



My Loves?Wag kana 
magalit,Ano bang gusto 
mo?" -Nathan

Ako naman yung 
niyakap ni Nathan at 
naglambing sakin. 

"Ano My loves galit 
kapa ba?"

"Okay na,Hindi na ako 
galit. 

Pero next time bago 
ka mag selos alamin 

mo muna yung totoo 
para hind tayo nag-
aaway." 

"Copy po."

Bumalik nalang kami 
ni Nathan kala Mommy 

at Daddy at tinanong 
nila kung bakit ang tagal 

ko ang sabi ko nalang 
inantay kopa si Nathan 

at umalis na si Dan kasi 
biglang nagka emergency 

mabuti na nga lang 
hindi nagsalita si Andrea.
---------------
Maganda ang tulog ko 
dahil magkasama kami 
ni Nathan ngayon, 

Dito kona kasi sya 
pinatulog dahil gabi na 
din. 

At eto nga ang himbing 
ng tulog nitong lalaki nato.

Biglang may pumasok 
na kalokohan sa isipan 
ko hahaha.

Kumuha ako ng Marker 
at nag drawing ako sa 
mukha ni Nathan. 

ang sarap maging bata 
ulit hehe, 

Sa ganito kasi kami 
nag start ni Nathan.

After kong sulatan yung 
gwapo at makinis nyang 

mukha ay kinuha ko 
yung phone nya at 

nagpicture ako kasama 
sya.

Gusto kong tumawa 
ng malakas dahil sa 

ginawa ko sa kanya 
kaya lang baka 
magising sya.

Diretso upload agad
 yung ginawa ko para 

wala na syang palag 
haha.

Mayamaya ay nagising 
na sya habang 
nagcecellphone ako.

"Good morning 
My Loves."

Bungad nya sakin nang 
makita nya ako.

"G--Ood Mo-morning din."

Kainis ang hirap mag 
pigil ng tawa.

"Anong nangyayari sayo
 My Loves?"

"Wala".. 

"Anong wala,Sino bayang
ka chat mo."

Biglang inagaw ni 
Nathan yung phone ko 

at ilang segundo lang 
ay napatingin sya sakin.

Sumingkit yung mga 
mata nya at ako naman 
ay nag peace sign lang.

Tatayo na sana ako 
pero bigla akong 

hinawakan ni Natha sa 
magkabilang kamay at 

inihiga at pumatong 
sya sakin.

"Sorry na Nathan, 
Madami namang nag 
Likes eh."

Diko padin mapigilan 
yung tawa ko kaya lalo 
syang nainis sakin haha.

"Gusto mo talagang 
magahasa ng maaga 
My Loves?"

"Sorry na nga."

Nilapit na nya yung 
mukha nya sakin kaya 
napapikit nalang ako, 

Mabuti nalang kamo 
ay may biglang kumatok 

kaya itinulak ko si 
Nathan para tingnan 
kung sino yon.

Pagbukas ko ay si kuya 
Samuel lang pala.
"Good Morning kuya."

"Good Morning din Rex, 
Naistorbo ba kita? 

May ipapasuyo lang 
kasi ako." -Kuya

"Sige kuya ano bayon?"

"Pwede bang ikaw 
nalang ang mag-abot 

nito Kay Andrea kasi 
nagmamadali ako. 
tulog pa kasi sya."

May inabot sya saking 
Charger at ako nalang 

daw ang mag-abot kay 
Andrea dahil aalis na 
sya.

"Sige kuya ako na 
mag-aabot sa kanya 
mamaya."

Pagkatapos noon ay 
umalis nadin sya agad

at mukhang nagmama
dali nga sya.

Pagbalik ko ay nakapag 
hilamos na agad si 
Nathan.

"Sino yon My Loves?"

"Si kuya,May binigay 
lang."

"My loves may gagawin
 kaba mamaya?"

"Wala naman, Bakit?"

"Gusto ko sana bisitahin 
yung pinapagawa kong
 bahay natin."

"Sige ba."

Lumi level up na talaga 
yung pag-sasama namin 
ni Nathan, 

Yun nga lang diko pa 
alam kung papayagan 
ako nila Mommy at Daddy.
--------------
Pagkatapos naming 
mag-almusal ni Nathan 

ay iniwan ko muna sya 
kwarto ko, 

Dahil pupuntahan kona 
si Andrea at baka Hindi 

ko maiabot sa kanya 
aalis pa naman kami.
------------
Bago ako kumatok sa 
pintuan ng kwarto ni 

Andrea ay huminga 
muna ako ng malalim 

dahil panigurado hindi 
pa ako nagsasalita ay 

umuusok na ang 
tenga nya.

Nakailang katok at 
tawag na ako sa kanya

pero hindi padin sya 
sumasagot kaya 

sinubukan kong buksan 
yung pinto at sakto 

hindi naman naka lock 
kaya dumiretso na ako 
pumasok.


First time kong 
nakapasok sa kwarto

 nya at ang ganda ng 
loob ang daming mga 

Pictures,trophies at mga 
certificate ng mga 
contest na sinalihan nya.

Swimmer pala si Andrea 
at madaming beses na 

sya nag champion 
ganon sya kagaling. 

Sana all marunong at 
magaling lumangoy 
haha.

"And what the hell are 
you doing here?"

Muntik kona 
mabitawan yung hawak 

ko dahil sa biglang 
pagsasalita ni Andrea 
sa likuran ko.

"Ah eh Andrea, 
May iaabot lang sana 
ako."

"Hindi kaba naturuan 
na wag kang Basta 

basta papasok sa 
kwarto na hindi naman 
sayo?" -Andrea

"Nakailang katok na 
kasi ako kaya lang 

Hindi ka naman 
sumasagot kaya 
pumasok nalang ako."

"Akin na yung ibibigay 
mo at pagkatapos 
umalis kana." -Andrea

Binigay ko naman 
agad sa kanya yung 

charger at mataray 
nyang kinuha.

"Swimmer ka pala?"

"Ba't ba ang dami 
mong tanong? 
Umalis kana nga lang."

Hindi ko inexpect na 
itutulak nya ako kaya 

bahagya akong 
napaatras.

"Bakit ba galit na galit 
ka sakin? 

Ano bang ginagawa ko 
sayong mali?"

"Madami!Sobrang dami! 
Dahil simula nang mga 

bata palang tayo ikaw 
na ang paborito nila
Mommy ar daddy! 

Kapag umiiyak ka,
kami ang napapagalitan! 

kapag nasusugatan ka 
kami ulit ang napapa
galitan! 

Dahil nga ikaw daw 
ang bunso dapat 
inaalagaan ka namin! 

Kapag may binibili sila 
Mommy at Daddy ikaw 

agad ang unang 
pinapapili kung anong 

gusto mo kaya ang 
ending samin yung 
tira tira!"

Ramdam ko ang sakit 
at hinanakit ni Andrea, 

Galit na galit sya 
pero imbes na matakot 

ako ay naawa ako 
sa kanya.

"Hindi ko alam na ayan 
yung nararamdaman 
mo."

"Hindi mo alam kasi 
ikaw ang laging napa
pansin! 

Nasayo lahat ng 
atensyon nila mom at
Dad! 

Alam mo nung nawala 
ka tuwang tuwa nga 
ako eh, 

kasi akala ko kapag 
wala kana makukuha 

na namin ang atensyon 
nila Mommy at Daddy, 

Pero akala kolang 
pala yon. 

Alam moba kung anong 
nangyari? 

araw-araw 
pinaparamdam nila 

sakin na ako ang 
dahilan kung bakit ka 
nawala! 

araw-araw pakiramdam 
ko ang sama-Sama 
kong tao.  

Nung araw na mawala 
ka mas lalo sila samin 

nawalan ng atensyon 
dahil lagi ka nilang 

hinahanap dumating na 
nga sa point na akala ko 

wala na akong 
magulang!" -Andrea

"Hindi ko alam kung 
gaano kasakit ang mga 
pinagdaanan mo, 

Pero ang alam kolang 
walang magulang ang 

hindi mamahalin ang 
kanilang anak.

Siguro hindi molang 
nararamdaman kasi 

napupuno ng galit ang 
puso mo."

"Madaling sabihin para 
sayo yan kasi hindi 

ikaw ang nasa 
kalagayan ko dati! 

alam moba ang 
pinakamasakit na
nangyari sa buhay ko? 

ay yung iwan nila ako 
sa araw ng graduation 
ko, 

Kasi may nagsabi daw 
sa kanila na nakita kana 

kaya ayon dali-dali 
silang umalis at binilin 

nalang ako sa isang 
maid para sumama 
sakin sa stage."-Andrea

"Hindi lang ikaw ang 
nasasaktan, 

Nasasaktan din ako 
kasi buong buhay ko 

isang malaking 
kalokohan. 

Ilang taon ako nabuhay
sa pagkataong hindi 
naman talaga ako."

"Masaya na sana kami, 
Pero dumating ka ulit 

at nagulo na naman."
 -Andrea

"Ano bang kailangan
 kong gawin para 
matanggap mo ako? 

Bilang Pamilya at 
Bilang  kapatid mo? 
Gagawin ko."

"Umalis ka,Umalis ka 
dito at baka sakaling 

matanggap pa kita 
dahil hanggat nandito 

ka magiging kawawa
lang ako at masama 

sa Pamilyang to."
-Andrea

"Pamilya nyo din ako 
at hindi ako aalis."

"So ayaw mong umalis?"
 -Andrea

Hinawakan ako ni 
Andrea sa braso at 

hinila palabas ng 
kwarto nya at hindi ko 

alam kung saan nya 
ako dadalhin.
Andrea saan mo ako 
dadalhin?"

"Diba sabi mo gagawin 
mo ang lahat 
matanggap lang kita? 

Pwes tingnan natin 
kung matatalo mo ako." 
-Andrea

at dinala nya ako sa 
labas ng bahay papunta 
sa may Pool.

"Anong ginagawa 
natin dito?" 

pabilisan sa paglangoy, 
Pag-aaralan ko na 
matanggap kita. 

Pero Good Luck nalang
sayo kung matalo mo 
ako." -Andrea

"Andrea ano kasi, 
Pwede bang iba nalang?"

Pano koba sasabihin 
sa kanya na hindi ako
marunong lumangoy?

"Oh ano? Natatakot? 
Kasi alam mong 
matatalo?"-andrea

"Hindi naman sa ganon."

Pero sige pagbibigyan 
kita mauuna kang 

lumangoy para naman
hindi maging unfair 
sayo. Gooooooooo."

Bigla nya akung tinulak
At nahulog ako sa pool. 

Malalim yung Pool at 
hindi abot ng mga Paa 

ko kaya humingi na 
ako nang tulong kay 
Andrea.

"Andrea tulungan mo 
ako!"

Nahihirapan na ako 
sumigaw dahil hindi na 

ako makahinga ng 
maayos,nawalan ako
Ng malay. 

(ANDREA'S POV) 
-
Anong kaartehan na 
naman tong ginagawa 
ni Rex?

Diba sya marunong 
lumangoy?

Biglang dumating ang
Boyfriend nya na si 
Nathan at dali daling 

tumalon sa Pool para 
kunin si Rex.

"Anong nangyari???!!"

Tanong nya sakin ng 
maiakyat nya si Rex.

"Ewan ko,Hinamon 
kolang naman sya na 

magpaunahan kami
sa pag swimming 
tapos ganyan na."

"Hindi sya marunong 
lumangoy."

Biglang akong 
kinabahan sa sinabi ni 
Nathan. 

So hindi pala nagloloko 
si Rex..totoo palang 
nalulunod sya.

Sa sobrang takot ko 
ay tumakbo agad ako 

papunta kay Mommy 
para sabihin ang 
nangyari kay Rex.
----------
(NATHAN'S POV) 
-
Hindi ko alam kung 
ano talaga ang totoong 

nangyari pero sobrang 
nag-aalala talaga ako 

sa nangyari kay 
My Loves. 

Alam kong hindi 
aksidente ang nangyari 
sa kanya.

Iniwan na muna 
namin sya sa kwarto 

nya para 
makapagpahinga, 

Mabuti nalang talaga 
at naagapan ko.

"Ano ba talaga ang 
nangyari?" 
Tanong samin ni Tita

"Nakita ko nalang po 
na nalulunod si Rex 

kaya dali dali po 
akong tumalon para 
tulungan sya."

"Andrea?Ikaw ang 
kasama ni Rex, 
Anong nangyari? 

Nag-Away na naman 
ba kayo?"

"Ofcourse not, 
Ganon ba ako kasama? 

para Everytime na 
nagkikita kami mag-

aaway agad kami?"
 -Andrea

"Pero nakita monang 
nalulunod sya bakit 

hindi mo padin sya 
tinulungan?"

Naiinis na tanong ko 
kay Andrea.

"Is that really true 
Andrea?? 

Magkasama kayo ni 
Rex and you don't do 
anything to help him?"

"Bakit parang ako ang 
sinisisi nyo sa nangyari
sa kanya? 

Kasalanan koba na 
hindi sya marunong 
lumangoy?"

"Hindi mo kasalanan, 
Pero hindi mo sya 
tinulungan."

"Could you please 
shut up,you're not part 

of our Family. 
So? You can leave."

Hindi ko nalang 
pinansin si Andrea dahil 

mas nag-aalala ako 
ngayon kay My Loves, 

Wag Lang talaga 
may mangyaring 

masama kay My Loves 
dahil hindi ko alam ang 

magagawa ko sa kanya 
kahit babae pa sya.

"Wag na kayo mag-away 
dahil hindi nakakatulong, 

Atleast ngayon okay na 
si Rex antayin nalang 

natin sya magising para
malaman ang totoo.


 (REX'S POV) 
-Nagising nalang ako 
nang maramdaman 

kong may kamay 
nakapatong sa tyan ko. 
 
Pag-tingin ko ay kamay
Ni Nathan pala.

Hinimas ko yung buhok
nya at nagising agad 
naman sya.

"My Loves?Gising kana? 
Okay kana ba? 

Wala bang masakit 
sayo?"

"Oo My Loves okay
 na ako."

"Ano ba kasi nangyari? 
Nag-away ba kayo ng 
ate mo? 
Tinulak kaba nya?"

Biglang bumalik sa 
isip ko yung nangyari 
kanina, 

Nalunod ako kasi 
tinulak ako ni Andrea. 

Pero hindi naman nya 
alam na hindi ako 
marunong lumangoy, 

Siguro kung alam nya 
ang tungkol doon 
hindi nya ako itutulak.

"My Loves asan sila?
 Mommy at Andrea?"

"Nasa ibaba nag-uusap 
pa ata."

"Sandali lang My 
Loves."Paalam ko sa
kanya.

"Saan ka pupunta? 
Hindi ka pa okay."

"Kaya kona My Loves."

Tumayo ako para 
puntahan sila Andrea. 

Siguro panahon nadin 
para sabihin ko yung 
Part ko,

 Ayokong makasira ng 
isang Pamilyang bago 
ko palang kakakilala.

Pababa palang ako 
ng hagdan ay may 

naririnig na akong mga 
boses na nagtatalo 

kaya dali-dali kong 
pinuntahan kung saan

yon at nakita kong 
nagtatalo si Andrea at 
Mommy, 

Nung una ay 
pinakinggan ko muna 

sila at rinig na rinig ko 
ang lahat ng mga 

hinanakit ni Andrea 
pero sa huli lumabas 

nadin ako para 
matapos na.

"Sige Mommy mamili
ka, Ako ang aalis o 

papaalisin natin si 
Rex? " -Andrea

Napabitaw si Mommy 
kay Andrea at tumingin 

sa mga mata nito at 
parang gusto nyang 
sabihin na bakit?, 

Bakit ko kailangang 
mamili? 

"Ako napo ang aalis, 
Tutal nagsimula lang 

naman ang gulo sa 
Pamilyang ito nang 
dumating ako, 

Kaya ako nalang po 
ang aalis."

Pareho silang 
napalingon sakin ng 
marinig ang boses ko.

"No,.... Walang aalis. 
Aayusin natin to bilang 
Pamilya."


"Mommy ba't mo pa 
sya pipigilan? 

Gusto na nga nya 
umalis kaya hayaan na 
natin sya."

Lumapit ako kay 
Mommy at hinawakan 
ang mga kamay nya.

"Maraming salamat 
po kasi kahit ilang taon 

akong nawalay sa inyo 
ay hindi nyo padin ako 
kinalimutan, 

Hindi nyo ako sinukuan 
haggang sa mahanap 
nyo ako. 

Masaya po ako kasi 
nakilala ko kayo, 

Masaya ako na kahit 
saglit ay naging parte 
ako ng Pamilya nyo,

Pero kung ako lang 
din naman po ang 

magiging rason ng 
away at gulo, 

Mas mabuti napong 
bumalik nalag ako sa 
dati kong Pamilya."

Umiiyak na si Mommy
habang nagsasalita, 

Pero si Andrea ay hindi 
makatingin sakin ng 
diretso.

"Rex hindi mo 
kailangan umalis, 

Tama na yung 
mahabang panahon na 

nawalay ka samin, 
Please stay with us."

"Kung alam nyo lang 
po kung gaano ko 

gustong-gusto 
makasama at lalo pa 
kayong makilala, 

Kaso habang tumatagal 
mas lalong gumugulo 

at ayokong humantong 
pa ulit sa ganito na 

buhay na ang pwedeng 
mawala."

"Kung aalis ka, 
Umalis kana hindi yung 
ang dami mopang kuda. 

Kinokonsensya mopa 
kami." -Andrea

"Alam mo Andrea,  
buong buhay ko 

pinangarap ko
magkaroon ng ate. 

Dahil may magtatanggol 
at poprotekta sakin. 

Pero hindi pala ganon 
yon kadali, 

Aalis ako pero hindi 
ibig sabihin noon ayaw 

kona maging parte ng 
Pamilya nato. 

aalis ako kasi gusto ko 
maging maayos lahat."

"Rex, Pag-isipan mo 
muna bago ka gumawa 
ng final decision." -Mom

"Buo napo ang 
Desisyon ko."

Bago ako umalis ay 
yumakap muna ako ng 

mahigpit na mahigpit 
kay Mommy,

 Alam kong ayaw nya 
akong paalisin pero 

buo na ang desisyon ko
at kahit masakit ay 
gagawin ko.
-----------
Pagbalik ko ay nag-
aantay na sakin si 

My loves sa labas ng 
kwarto ko.

"My Loves saan kaba
 galing?"

"Kala Mommy, 
May sinabi lang ako."

"Pero bakit parang 
umiyak ka ata?"-Nathan

"Wala to, ayos lang ako. 
Pwede bang ihatid mo 
ako samin?"

"Sa inyo??" 

Takang tanong nya.
"Oo kala Mama at Papa."

"Bakit?"

"Mahabang kwento 
mamaya kona lang 

siguro ikukuwento sayo 
kapag nasa byahe na 
tayo."

Tinulungan ako ni 
My loves na ayusin ang 
mga gamit ko. 

Alam kong nagtataka 
sya pero  wala eh, 

Ito ang mas 
nakakabuting gawin 

hindi lang para sa 
sarili ko kundi para 
narin sa Pamilya ko.

Bago ako umalis ay 
pinigilan padin ako ni 
Mommy, 

Pero mas pinili kong 
gawin ang Tama.

(MARIVICK'S POV) 
-
"Mama hindi papo ba 
uuwe si kuya Rex? 

Miss na miss kona po 
kasi sya eh,Matagal ba 
sya sa work nya?"

Nagkatinginan kaming 
mag-asawa dahil sa 
naging tanong ni Kyline, 

Ayokong sabihin sa 
kanya ang totoo kung 

bakit wala ngayon 
ang kuya nya.

"Anak medyo matagal 
pa,Pero babalik din sya." 
Sagot ko nalang.

"Ang tagal Ma, 
Pwede po ba natin 
syang tawagan?"

"Hindi pwede anak, 
Kasi magagalit yung 
Boss nya."

"Ganon po ba? 
sayang naman po."

Bakas sa mukha ni 
Kyline ang lungkot 
dahil sa sinabi ko, 

Hinawakan nalang ni 
Vincent ang kamay ko 

para palakasin ang 
loob ko.

"Ma? Pa? Kyline??"

Parang biglang tumigil 
ang mundo ko ng may 

marinig akong isang 
Pamilyar na boses. 

Boses na gustong 
gusto konang marinig.

Hindi ako maka
paniwala na nasa 

harap ko ulit ang anak 
ko, Nakangiti habang 

may luhang pumapatak 
sa kanyang mga mata.

"Kuyaa Reeeeexxxxx"

Bumalik lang ako sa 
realidad ng sumigaw si 

Kyline at tumakbo 
papalapit sa kuya nya.

Nagyakapan silang 
dalawa, ang ganda nila 

pagmasdan halatang 
namiss nila ang isat-isa.

Sunod na tumayo si 
Vincent at lumapit sa 
anak nya, 

Hindi kona nadin 
napigilan ang mga luha 

ko na bumagsak dahil 
sa sobrang saya.

Lumapit sakin si Rex 
at tumayo nadin ako sa 
kinauupuan ko, 

Tinitigan ko ang mukha
nya,Hinawakan ko ang 

pisngi nya baka kasi 
nananaginip lang ako. 

Pero sa huli ay niyakap 
ko din sya ng mahigpit 
na mahigpit.

"Ma,Hindi po ako 
makahinga."

Napabitaw nama agad 
ako at hinawakan ang 
mga kamay nya.

"Ikaw ba talaga yan 
Rex??"

"Oo Ma, ako to. 
Bakit akala nyo ba 
artista? Thank you Ma!"

Napangiti naman ako 
sa naging sagot nya 

dahil totoong sya na 
talaga to! 

Totoong nandito at 
nagbalik na ang 
anak ko.

"Hindi lang ako 
makapaniwala na 
nandito ka ngayon, 

Akala ko hindi kana 
namin makikita ulit."

"Pwede bayon Ma? 
Syempre hindi naman 

ako papayag na
mangyari yon, 

Pagbalibaliktarin man
 natin ang mundo,
Pamilya ko padin kayo,

 At hindi mababago 
na kayo ang nagpalaki 

sakin at minahal nyo 
ako na parang tunay 
na anak."

"Salamat anak kasi 
hindi mo kami 
kinalimutan."

"Si Mama nagdadrama
 na naman.... 

Mukhang kumakain ata 
kayo ah? 
Pwede bang makisalo?"

"Oo tara ipaghahain ko 
kayo, Ilapag nyo muna 

yung mga dala nyo
para sabay sabay na 
tayong kumain."

"Kuya pwede poba ako 
sumama sa work nyo? 

Sabi kasi ni Mama 
maganda daw don kaya 

hindi ka makauwe 
agad." -kyline

Tumingin nalang ako 
kay Rex at pasimple 

syang sinabihan na 
sumangayon nalang sa 
tanong ng kapatid nya.

"Nako,bawal ang bata 
doon. 

Pero kapag pwede 
ipapasyal kita."

"Talaga po?"
"Oo,.Pero dapat mag-aral 

ka muna ng mabuti 
para isama kita."

Masaya akong hinainan
 ang buong Pamilya. 

Sabay sabay na ulit 
kaming kakain dahil 
kompleto na ulit kami, 

Sana magtuloy tuloy
nato.

(REX'S POV) 
-
Ang sarap sa 
pakiramdam na kasama 
kona ulit ang Pamilya ko. 

Masaya ako na makita 
silang masaya sa 
pagbabalik ko.

"My Loves ano ba
 talagang nangyari?"

Tanong sakin ni Nathan 
habang nag-aayos kami
 ng mga gamit ko.

"Dito na ulit ako titira."

"Bakit? Nag-away ba 
kayo?Nang mommy at 
ate mo?"

"Wala nga problema 
kay Mommy My loves, 

Kahit kay kuya at Daddy 
ang bait nila sakin at 

hindi nila ako tinuring 
na bago."

"Pero ang ate mo?" 
-Nathan

"Mabait naman si 
Andrea, 

Hindi lang talaga nya 
maipakita sakin siguro 

nasanay lang sya na 
matagal na akong wala 

at nabawasan ang 
atensyon nila Mommy 

sa kanya nang 
dumating ako. 

May mga pagkakataon 
na gusto ko syang 
labanan, 

Pero mas naniniwala 
ako na kapag naging 

mabuti ka sa isang tao 
ay magiging mabuti din 
sila sayo."

"Pero muntik kanang 
mamatay dahil sa 
ginawa nya. 

Kahit hindi mo sabihin 
sakin alam kong hindi 

aksidente ang nangyari 
sayo." -Nathan

"Gusto ko syang 
sumbatan,Pero anong 
mangyayari? 

Mas lalo lang lalala ang 
sitwasyon."

"Pero hindi na tama 
yung ginagawa nya 
sayo."

"Alam ko naman yon, 
Kaya nga umalis na ako. 

Ako na ang umiwas. 
Wag kang mag alala 

My Loves ayon na ang 
huling beses na sasaktan 
nya ako."

Niyakap ako ni Nathan, 
At maya-maya ay 

pumasok si Mama sa 
kwarto ko.

"Naistorbo koba kayo?"
"Hindi naman po, 
Bakit ma?"

"Ah eh,Nathan pwede 
koba makausap muna 
ang anak ko?"

"Sige po,Lalabas napo 
muna ako."

Lumabas na muna si 
Nathan para makapag-
usap kami ni Mama.

"Kamusta pala ang 
pagtira mo sa mga 
Montes?" 

Agad na tanong ni 
Mama nang makaalis 
si Nathan.

"Okay naman po, 
Masaya. 
Mababait naman sila 
sakin at maayos naman 
akong tinatrato."

"Pero bakit ka umalis?" 
-Mama

"Hindi naman ako umalis, 
Na miss kolang po kayo 
kaya pumunta ako dito."

Niyakap ako ng mahigpit 
ni Mama at napansin 

kong umiiyak na 
naman sya.

"Alam kong may 
nangyaring hindi maganda 

sayo kaya ka umalis 
at kung ayaw mong 

sabihin sakin 
Naiintindihan kita. 

Pero sana wag mong 
papabayaan ang sarili 
mo, 

Hindi kita pinalaki para 
apiapihan lang. 

Hindi masama ang 
lumaban lalo na't kung 

alam mong nasa 
tama ka"

Iba talaga ang 
pakiramdam ng mga 

Ina dahil sa 
pamamagitan lang ng 

kanilang mga yakap ay 
nararamdaman nila 

kung ano ang nasa loob 
ng kanilang mga anak.

_________________

FROM DON ROMANTIKO:
GUYS SANA LAGI NYO NA 
RIN SUNDAN ANG MGA
KWENTO NA E POST KO
DITO..

PLEASE LIKE, & COMMENTS
NA RIN SA BAWAT CHAPTER
NG KWENTO.. 

 GOD BLESS AND HAVE A GREAT DAY EVERY ONE 😘😘😘😘😘❤️❤️❤️🙏

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

SANAY AKO NALANG(CHAPTER 10)SEASON 3

SANAY AKO NALANG(CHAPTER 11)SEASON 3