SANAY AKO NALANG(CHAPTER 11)SEASON 3
SANAY AKO NALANG
CHAPTER 11-SEASON 3
PINOY M2M STORY
=SANAY AKO NALANG=
---------------------------------
---CHAPTER 11---
(NATHAN'S POV)
===FLASHBACK==
"Anong ginagawa mo
dito?"
Nagulat ako ng bigla
akong puntahan ni Dan
sa office ko.
"Hindi ako nagpunta
dito para makipag away.
I just wanted to talk
to you."
Tumayo ako sa pwesto
ko at pinasunod ko sya,
Ayoko kasi na mag-uusap
kami na may ibang tao
na nakakarinig na dapat
samin lang.
"Anong sasabihin mo
sakin,
Pakibilisan nalang dahil
may trabaho pa ako."
"Umuwe ako dito hindi
para guluhin kayo ni Rex,
Umuwe ako dahil sa
Nanay ko,.
Umuwe ako para makita
yung mga kaibigan ko.
Oo mahal ko si Rex
pero hanggang doon
nalang yon,
Hindi ko sisirain kung
anong meron Kayo.
Sabi nga nila kapag
mahal mo ang isang tao
hahayaan mo sya na
maging masaya.
Gusto kolang kunin
yung chance nato para
mag sorry at sana
maging magkakaibigan
padin tayo."
Kahit papano naging
kaibigan ko din naman
si Dan at alam kong
mabuti syang tao nag
mahal lang din
naman sya.
"Kalimutan na natin
ang nakaraan mag
focus na tayo sa kung
ano tayo ngayon."
"Salamat Nathan."
=END OF FLASHBACK=
(REX'S POV)
-
Kinagabihan ay sabay
sabay din kaming
naghapunan,
Ipinagluto kami ng
Lola grabe ang sarap
nya magluto kaya
naparami kami ng kain.
"Tyrone ang sarap
magluto ng Lola."
Masaya kong sabi sa
kanya.
"Talaga, salamat."
-Tyrone
"Halata nga My Loves,
Dami mong nakain eh.
Nako tumataba kana
pano pa kita mabubuhat
nyan?" -Nathan
"Ah ganon?Personalan?"
"Oo nga Rex tumataba
ka." Dagdag pa ni Mark
"Si Nathan kasi kung
ano ano pinapakain
kay Rex kaya tumataba."
Pang-aasar pa ni Dave.
"Ako tigilan nyo ako,
Di ako mataba okay?
Kumain na nga kayo."
"Pero kahit tumaba pa
yan si My loves mahal
na mahal kopa din yan."
Hinawakan ni Nathan
yung isa kong kamay
habang kumakain kami.
"Ayy sana all." - Dave
Yung mga kaibigan ni
Nathan mana din sa
kanya,
Madalas mang asar
pero mas madalas
may topak haha.
"Wala padin kayong
pinagbagong lahat ang
iingay nyo padin."-Irish
Natahimik kaming
lahat kasi nagmaldita
na naman sya haha
pano kaya sya hina-
handle ni Kenji?
Sabagay bully din
naman si Kenji kaya
bagay din talaga sya.
"Ikaw din hindi ka
padin nagbabago
maldita kapa din,
Pero okay lang
nasanay din naman
kami sayo."-Jasmine
"Tama na yan
kumain nalang tayo."
Hindi kami madalas
magsamasama pero
pagnasamasama
kami para kaming
mga bata na palaging
nag-aasaran ang
matalo kawawa haha.
Pag-katapos naming
kumain ay ako na ang
nagpresinta na mag-
hugas nang pinag
kainan namin,
Nakakahiya naman
kasi kung iiwan lang
namin basta basta.
"Gusto mo tulungan
na kita?"Tumabi sakin
si Sheena at nilagay
sa lababo yung ibang
hugasin.
"Sige kung okay lang
sayo."
"Nakita pala namin si
Miles nung nakaraan
at kasama nya yung
kuya mo."
"Talaga?Bakit daw sila
magkasama?"
"Parang nagdedate
sila eh."
"Kaharutan talaga ng
Miles nayon haha,
Pero okay lang yon
bagay naman sila ni
Kuya."
"Haha oO nga."
Nagkwentuha pa kami
ni Sheena habang
nahuhugas ng plato,
Nagsorry din sya sakin
sa mga nagawa nya
dati sabi ko nalang
ayos nayon at wag na
natin balikan.
Kinabukasan ay
nagyaya si Tyrone na
maligo daw kaming ilog,
Dahil may ilog daw
na malapit dito sa
bahay nila.
Naexcite naman kaming
lahat kaya ayon dali
dali kaming nagpalit.
"Nathan bakit topless
ka?"Pagsusungit ko
sa kanya.
"Syempre maliligo tayo,
Alangan naman mag
long sleeve ako tapos
pajama?" -Nathan
"Bahala ka nga dyan."
"Ikaw nga ang ikli ng
short mo." -Nathan
"Short nga diba?
May short bang
mahaba?"
"Oii kayong dalawa
dyan bilisan nyo na."
Hindi halatang excited
si Miles haha.
"My Loves wag kana
magalit,Tara na sunod
na tayo sa kanila.
"Ang ganda talaga dito
may ilog pa."
"Omg! i am ready!
Tara na guys!"
Tumakbo na papuntang
ilog si Miles kasama
yung iba pa,
Si Matthew, Si Tyrone,
Si Steve, Si Sheena At
si Jasmine.
"My Loves tara na?"
"Sige na Nathan mauna
kana susunod nalang ako."
Sumunod nadin si
Nathan kasama si Dan.
"Sigurado ba kayo na
malinis dyan?
Baka mangati ako."-Irish
"Babe malinis yan
syempre,Hindi naman
tayo dadalhin nin
Tyrone sa ikakapahamak
natin." - kenji
"Oo nga Irish kaya tara
na, Ang sarap kaya."
-Nicole
Ang saya nila
pagmasdan para kaming
bumalik sa pagkabata.
"Bakit dika sumama
sa kanila?
Ayaw moba maligo?"
Tanong sakin ni Mark
"Alam mo naman diba?
Di ako marunong
lumangoy baka imbes
na mag enjoy tayo ay
masira ko lang."
"Halika ka nga dito."
Biglang hinawakan ni
Mark yung kamay ko
at hinila palapit sa
kanila.
"Mark sandali lang."
"Tuturuan kita
lumangoy para naman
makapag enjoy kadin,
Wag ka mag-alala
magpapaalam ako
kay Nathan."
Pumunta si Mark sa
gawi nila Nathan at
kinausap nya ito at
ilang saglit lang ay
bumalik na sya.
"Okay na pumayag na
ang Boyfriend mo."
"Eh si Sheena?"
"Rex?Wag kang matakot,
Bestfriend tayo diba?
Atsaka walang
malisya to.
Ewan ko lang sayo mark."
Hinampas ko nang
mahina si Mark.
"Dami mong sinasabi
turuan muna ako."
So ayon na nga tinuruan
ako ni Mark ng basic
steps (taray noh!?)
Para matuto akong
lumangoy.
At ang lalaki may pag
hugot pa alam nyo ba
sabi nya?
Syempre hindi kopa kasi
Alam,
Dipa naman sinasabi
haha.
Ang paglangoy daw
parang pagpasok sa
bagong relasyon,
Kailangan mong
pakawalan ang lahat
ng bigat na nararam
daman mo hanggang
sa gumaan ang
pakiramdam mo at
maging okay lahat,
Dahil kung hindi mo
gagawin yon dadalhin
ka ng agos sa Hindi
tama.
"Mark ang hirap naman
diko padin magets,
Lumulubog padin ako
kahit anong gawin ko."
"Hay nako Rex mag
floating ka aalalayan
kita,
kain ka kasi ng kain
yan tuloy bumigat ka."
-Mark
"Ah ganon bastusan? "
"Hahaha joke lang ito
naman hindi mabiro,
Sige na ituloy na natin."
Hindi ko nalang
pinansin si Mark at
nagpaturo na ulit ako,
Kailangan ko din
matuto para naman
next time na may
magtulak sakin ay hindi
nako malulunod.
"Mark tama ba ang
ginagawa ko?"
"Oo ganya nga,
Ipagpatuloy molang
yan sigurado ako
mamaya lang magaling
kana lumangoy."-Mark
"Mukhang natututo
kana Rex."
Mayamaya ay lumapit
samin si Sheena.
"Oo nga eh,magaling
kasi instructor ko."
"Sinabi mo pa haha."
Binasa ko nalang ng
tubig si Mark sa mukha
ang yabang kasi
eh haha.
"Dyan na nga kayo."
"Oh san ka pupunta?
Dika pa nga tapos eh."
-Mark
"Ayos nayon, Pupunta
muna ako kala Nathan.
Salamat."
Natutunan kona
naman na ang basic
step at kahit papano
ay nagagawa konang
pagaanin ang sarili ko
kaya pumunta na ako
kala Nathan,
Kaya lang nandon sila
sa may Dulo at
kailangan kong
lumangoy para maka
lapit sa kanila.
So ayon kahit diko pa
sure kung kaya ko ay
sinubukan ko pa din
kaya lang mukhang
hindi kopa ata kaya
dahil nang nasa gitna
na ako ay nalunod ako!
"Tulong!!"Ubod lakas
kong sigaw kaya
napatingin ang lahat
sakin.
Kita kong agad na
lumangoy si Nathan
papunta sakin at
tinulungan ako.
"My loves!!!"
Hinawakan ako ni
Nathan sa bewang at
dinala ako sa
mababaw na parte.
"My Loves!!??? Ayos
kalang ba?????"
"It's a prank!
Hahahahaha di ako
nalunod ni try ko lang
kung mag-aalala ka."
Di talaga ako nalunod
guys gusto kolang
talaga asarin si Nathan
kasi nga diba kagabi
panay asar nya na
tumaba daw ako!
"Bakla ka!Pinag-alala
mo kami!
Dyan kana nga!"
Nagsibalikan silang
lahat sa pag-ligo ng
malaman na ayos
lang ako.
"My Loves hindi
nakakatuwa yung biro
mo,Pinag-alala mo ako."
"Prank nga diba?"
"Tsk,Akala mo natutuwa
ako?" -Nathan
"Galit kana nyan?"
"Oo galit ako.
Kaya kailangan
pakalmahin mo to."
"Ha??"
Diko na gets yung
sinabi ni Nathan,
Basta binuhat nya
nalang ako at hindi ko
alam kung saan nya
ako dadalhin.
Kita nyo na?
Lakas ng topak nitong
lalaki na to.
__________
"Nathan bumalik na tayo
sa kanila."
"Saglit lang to My Loves."
-Nathan
"Saan ba kasi tayo
pupunta?"
"Basta My Loves
sumunod ka nalang."
-Nathan
"Dimo sasabihin?
Sige ka sisigaw ako."
"At anong isisigaw mo?
Na nirir______pe kita?
Haha My Loves baka
magising ang mga
natutulog na engkanto
dito dahil sa lakas ng
boses mo."
"Eh san moba kasi ako
dadalhin?"
"Relax kalang pwede?
Wala naman akong
gagawin sayo."
Dahil sa sinabi ni
Nathan ay kumalma ako,
Magkahawak kamay
kaming naglalakad.
Minsan talaga hindi ko
maintindihan ang mga
tumatakbo sa utak
ni Nathan.
Habang naglalakad
kami ay may nadaanan
kaming puno ng
mangga na ang daming
bunga,
Bigla tuloy akong
nangasim.
"My Loves ang daming
mangga." Pagpigil ko
kay Nathan.
"Hayaan mona yan,
may iba tayong pupun
tahan."
"Iiiiihhhhh gusto ko ng
mangga, Ikuha mo ako."
"My Loves naman,
buntis kana ba at
naglilihi ka?" -Nathan
"Basta ikuha muna ako
please kahit mga lima
lang."
"What?! Seriously?!
Ganyan kadami?
Sigurado kang kaya
mong ubusin lahat yon?"
- Nathan
"Oo naman, Kaya sige
na umakyat kana at
ikuha muna ako."
Hinila ko palapit si
Nathan sa puno pero
parang ayaw nya.
"My Loves,
May pupuntahan pa
kasi tayo kaya wag
nalang.
Hayaan mo kapag
balik natin satin ibibili
kita ng mangga kahit
isang sako pa kain mo
lahat.
Atsaka hindi ako
marunong umakyat ng
puno" -Nathan
Ayon!Lumabas na ang
totoo di pala marunong
umakyat ng puno ang
loko hahaha..
sabagay laking
mayaman kasi sya.
"Ngayon ko gusto ng
mangga, Ako na ang
aakyat kalalaki mong
tao dika marunong
umakyat ng puno."
Iniwan ko si Nathan at
sinimulan ng akyatin
ang puno ng mangga,
Bata palang kasi ako
sanay na ako umakyat
ng puno.
Alam nyo naman laking
hirap haha ang hindi
kolang talaga natutunan
ay ang paglangoy.
"My Loves ikaw ang
sumalo sa mga maku
kuha ko."
Sigaw ko sa kanya ng
makaakyat na ako.
"My loves baka mahulog
ka bumaba kana dyan."
Hindi kona pinansin si
Nathan dahil gusto kong
kumain ng mangga
ewan koba basta nah
cacrave ako hahaha.
Nang makita ko ang
first target ko ay hindi
na ako nagpatumpik
tumpik pa agad akong
lumapit at pinitas ko ito.
"Nathan saluhin mo!"
Hinagis ko yung mangga
kay Nathan kaya lang
ang loko iniligan,
Ayon nag crack tuloy.
"Sinasalo po yan!
Hindi iniiwasan!"
"Tatamaan kaya ako
sa mukha!"
Napakamot nalang ako
sa ulo.
Kumuha nalang ako
ng isa pa at muling
hinagis kay Nathan
kaya lang iniwasan nya
padin.
"Kainis ka talaga!
saluhin mo!!!!! "
"Dahan dahan lang
kasi My Loves!"
Kumuha ulit ako ng isa
pa at dahan dahan
inihagis sa kanya at sa
wakas nasalo na nya.
Kumuha ako ng dalawa
pa at pagkatapos ay
bumaba nadin.
"Ang pangit tuloy nang
iba may mga Crack.
ikaw kasi dika
marunong sumalo."
"Tatama nga kasi sa
mukha ko,
Baka mamaya masira
pa ang gwapo kong
mukha." -Nathan
"At talagang inuna
mopa yang mukha mo
kesa sa kakainin ko?"
"Relax My loves mangga
lang yan,Buntis kana ba?
Magiging daddy naba
ako?" -Nathan
"Oo 14 months nato
kaya umayos ka."
Natawa nalang si
Nathan sa naging sagot
ko.
"My Loves sigurado ka
kaya mo tong ubusin?"
-Nathan
"Oo naman,
Kukuha ba ako ng hindi
ko kaya?"
"Eh mas masarap pa
ako dito." -Nathan
"Nakakain kaba?
Nakakabusog kaba?
Bitbitin mo yang lahat
para naman matuwa
ako sayo."
"Grabe ka talaga sakin
My Loves." -Nathan
"San pala tayo pupunta?
At ba't mo ako binuhat
palayo sa kanila?"
"Nagpresinta kasi ako
kay Tyrone na ako
nalang ang kukuha ng
kakainin natin na niluto
ng lola nya,.
syempre diko naman
kaya yon mag-isa kaya
niyaya kita." -Nathan
Talaga tong si Nathan
pwede nya naman isama
sila Dave, Steve or si
Tyrone mismo ako pa
talaga ang sinama nya.
(MILE'S POV)
-
Ang sarap magtam-
pisaw dito sa ilog,
Malamig at malinis pa.
"Hoyy ano ba?!
Para kang balyenang
nalulunod."
Okay na sana kaso may
biglang asungot na
nagsalita,
Pero hindi ko nalang sya
pinansin at nagtanong
nalang ako kay Tyrone.
"San pupunta yung
dalawa nayon?"
Tanong ko kay Tyrone.
"Bakit inggit ka?
Wala ka kasing Jowa."
Sabat nang asungot
na si Dave.
Aba?!Personalan nato?
Oo wala akong Jowa!!!!
"Wala kang Friends?
Kasi ngekngek ka eh
dika naman kinakausap."
"Oh ba't ka napipikon?"
-Dave
"Hindi ako napipikon
sadyang nakakainis
lang yang mukha mo!"
"Talaga lang ha?
Kaya pala dati patay na
patay ka sa mukhang to?
At nagpatulong kapa
talaga kay Nathan para
sagutin kita?" -Dave
Sa sobrang inis ko ay
binasa basa ko sya,
Parang ewan ako
binabasa ko yung taong
basa na haha.
"Hoy ang ka___pal mo!
Dati lang yon!
At hinding hindi kona
uulitin yon!"
"So inamin mo?" -Dave
"Bakit ba kita
kinakausap?!
Pampagulo kalang dito,
Umuwe kana lang kaya."
"Oyyyy nag aaway sila!"
Sabat ni Steve.
Asungot din tong steve
nato eh, Mabuti pa si
Matthew tahimik lang!
Pati si Anthony tahimik
lang din sa kanilang
limang magkakaibigan
si Dave at Steve ang
pinaka mapang-asar,
Mabuti na nga lang
napaamo ni Rex ang
Dragon na si Nathan.
"Tigilan mo ako Steve,
Kadiri! yu_--___ck!"
"Ganda mo din noh?
Sa sobrang ganda mo
hanggang ngayon wala
kapading Boyfriend
hahaha."
Siraulo talaga tong
Dave nato!
Namemersonal na
talaga!bigyan ko kaya
ng isang sapak?
"Sorry ka,Pero may
Boyfriend na ko!"
"Wow saan sa
panaginip mo?" -Dave
"Sige lang asarin mo
ako,Pero kapag nakita
mo yon baka mamatay
ka sa inggit."
"At bakit naman ako
mamatay?
Baka mukhang pw__et
yon hahaha." -Dave
"Sige tumawa kalang."
"Tama nayan,
Maligo nalang tayo para
malamigan ang mga
ulo nyo."Saway samin
ni Tyrone.
"Pero san ba kasi
pumunta sila Rex?"
"May pinakuha lang
ako sa kanila sa bahay
pero balik nadin yon."
-Tyrone
"Eh anong pinakuha mo?"
"Yung kakainin natin."
"Kaya mamaya pagbalik
nila Rex kumain kayo
ng marami baka gutom
lang yan kaya nag-
aasaran kayo." -Nicole
Dina ako masyadong
nag-usisa pa kay Tyrone
at lumangoy nalang,
ayoko na kausap si
Dave! kapal ng mukha
nya feeling pogi!
Eh mukha namang PAA!
Sana pala sinama ko
dito si Samuel para
matigil sya sa kaka
asara sakin.
(DAN'S POV)
-
"OH pre ba't tulala ka
dyan? Ang lalim ng
iniisip mo,
Si Rex na naman
bayan?"Tanong sakin
ni Kenji.
"Natutuwa lang ako
kasi nagkasama sama
ulit tayo,
At syempre masaya
ako na nakikitang
masasaya ang mga
kaibigan ko."
"Pero ikaw masaya
kaba?Na yung taong
mahal mo ay sa iba
sumasaya?" -Kenji
"Ano bang klaseng
tanong yan?
Oo naman masaya ako.
Sa haba ng panahon
na realize ko din na
hindi talaga kami para
sa isa't isa na sadyang
pinagtagpo lang kami
para maging magka
ibigan."
"Pre nag matured kana
talaga,
Yan ba ang epekto ng
pagpunta mo sa ibang
bansa?" -Kenji
"Haha parang ganon
na nga,. kasi habang
nandon ako paulit ulit
kong tinatanong na.
Ano ba talaga ang
dapat kong gawin?
Magpatuloy o tumigil
nalang kasi umaasa
padin ako na baka
mahalin nya ako."
"Humanap ka nalang
nang iba,
Hindi si Rex ang para
sayo pinapaasa at
sinasaktan mo lang
ang sarili mo.
Pero nandito tayo to
relax and enjoy hindi
para sa mga kadra-
mahan nyo kaya please
lang.
kung mag-uusap kayo
ng mga ganyan,
wag ngayon." -Irish
Si Irish kilalang maldita
yan pero nung lalo pa
namin syang nakilala
ay mabait din naman
pala sya hindi nya lang
maipakita dahil maldita
na ang tingin ng
karamihan sa kanya.
May point din naman
sya nandito kami para
mag enjoy kaya dapat
ang mga problemang
hindi naman dapat
pinoproblema at
matagalng nabigyan
ng kasagutan ay dapat
ipag santabi muna.
(REX'S POV)
-
"Kayo ba ang kukuha
ng mga niluto ko?"
Tanong sakin ni Lola ng
makabalik kami dito sa
bahay nila.
"Opo kami po."
"Sige,.Naihanda kona
yon kunin nyo nalang."
"Salamat po."
"My loves yung mga
mangga mo iwan ko
nalang dito." -Nathan
"Oo iwan mo nalang."
"Magkasintahan ba
kayo?"
Taray ni Lola noh?!
Ngayon ko nalang ulit
narinig ang salitang
magkasintahan haha
sa mga panahon kasi
ang madalas kong
nariring, Jowa, Bebe
mga ganon.
"Ah eh opo."
"Matagal naba kayo?"
Muling tanong nila Lola
sakin.
"O-opo matagal na."
"Nakakatuwa naman
kayo, Akala ko walang
nagtatagal na relasyon
kapag pareho kayo
nang kasarian.
May mga kaibigan din
kasi ako dati na katulad
mo noong kabataan ko,
At alam moba madalas
silang umiiyak at
naiiwang nasasaktan
dahil minahal lang pala
sila dahil sa pera,
Pinakisamahan lang
pala sila dahil may
naibibigay sila."
Ganyan ang tingin ng
karamihan ng tao sa
aming mga bakla na
kapag may kasamang
lalaki piniperahan na
agad.
Kasi ayan ang nakamu
latan ng lahat,
ang lalaki nakikisama
lang sa bakla dahil may
kailangan pero hindi ibig
sabihin nito ay Mahal
nya ito.
"Iba po si Nathan,
Mahal nya ako, at
mahal ko dn sya.
Mahal na mahal po
namin ang isat-isa at
naniniwala padin po ako
na marami pading lalaki
na gustong magmahal
ng mga kagaya ko.
kaya lang natatakot
lang sila mahusgahan
ng mga taong sarado
ang pag-iisip."
Ngumiti lang si Lola sa
mga sinabi ko sana
dumating yung pagka
kataon na pwede nating
mahalin ang isang tao
na hindi tayo nahuhus
gahan.
Pagkatapos naming
kunin yung pagkain ay
nagpaalam na din kami
agad baka gutom na
kasi ang mga kasama
namin haha.
Si nathan nagdala ng
kain at ulam syempre
ako nagdala sa mga
magagaan,Plato,Baso
etc.
Pagbalik namin ay
masaya pa silang nalili
gong lahat.
"Kainan na!!!!
Umahon na kayo dyan!!"
Sigaw ko sa kanilang
lahat, at sabay sabay
silang napalingon.
"My Loves grabe ka ha?
Napalingon mo silang
lahat sa lakas ng boses
mo." -Nathan
Hindi ko nalang
pinansin si Nathan dahil
aasarin na naman nya
ako.
"Mga gutom lang yan
haha."
Umahon silang lahat
at pumunta samin ni
Nathan.
Mabuti nalang at
merong maliit na kubo
malapit sa pinagliguan
namin kaya maayos ang
kakainan namin.
Kanya kanya silang
sandok,Hindi halatang
nagutom kakalangoy.
"Nakakagutom din
palang lumangoy."-Miles
"Nako ang sabihin mo
matakaw kalang talaga."
-Dave
"Hehe nakakatuwa
yon? " -Miles
"Kayong dalawa kanina
pa kayo nag-aaway
para kayong mga aso't
pusa,.
Baka kayo ang mag
katuluyan nyan."
Saway ni Jasmine sa
kanila.
"Nako di baleng
mamatay akong single
kesa makatuluyan ang
lalaking kulang sa aruga."
-Miles
"Bakit tinanong mo din
ba ako kung gusto kita?"
-Dave
"Kapag di kayo tumigil
na dalawa hindi ko kayo
papakainin."
Tumahimik silang
dalawa at kumain nalang,
Masaya naming
pinagsaluhan yung pag
kaing niluto ng Lola ni
Tyrone para samin.
At pagkatapos ng kainan
ay kanya kanya silang
turuan kung sino ang
magliligpit pero nag
presinga si Sheena na
sya nalang daw para
naman may maitulong
sya.
Nagpahinga lang kami
ng mga ilang minuto
pagkatapos ay lumusong
ulit sa ilog.
"My Loves turuan mo
nga akong sumisid."
Sabi ko kay Nathan.
"Diba marunong kana?
Ang galing mo nga eh."
-Nathan
Seryoso akong nagsa
sabi dito sa lalaking to
pero mukhang iba
yung sagot nya.
"Ah ganon sige kay
Mark nalang ako mag
papaturo baka mas
magaling sya."
Pupunta na sana ako
kay Mark pero hinila
ako palapit ni Nathan
at niyakap ako.
"Dito kalang,Akin kalang.
Ako ang magtuturo."
Malamig yung tubig
pero parang biglang
uminit yung katawan ko
dahil sa sinabi nyang
yon.
Kahit matagal na kami
ni Nathan sobrang
kinikilig padin ako sa
mga banat nya kaya
lang diko masyadong
pinapahalata alam nyo
naman dalagang
Pilinina Yeh!
"Uii bhhhe pahingi ako."
Biglang kinuha ni Miles
yung isang manggang
babalatan ko.
"Akin yan,kumuha ka
nalang nang sayo."
"Ay ano buntis Lang?
Naglilihi?
Ang dami kaya nyan
dimo mauubos yan."
"Mauubos ko kaya."
"Isa lang naman,
grabe ka." -Miles
"Oo na sige na umalis
kana."
Pinaalis ko muna si
Miles dahil baka
kumuha pa sya at wala
nang matira sakin haha.
"Hi Rex? Mukhang
masarap yan ha?
Saan galing yan?"
-Jasmine
"Sa puno, Haha charot!
Kinuha ko to kanina
may nadaanan kasi
kaming puno ng mangga."
"Ikaw ang kumuha?"
Takang tanong ni
Jasmine sakin.
"Oo, Alam mo naman
si Nathan laking
mayaman kaya di
marunong umakyat.
Hagdan lang kaya nya
haha."
"Sana maulit ulit tong
bonding natin nato."
-Jasmine
"Oo nga eh,
Parang bumalik ulit
ako sa pagkabata."
"Sinabi mopa, Lalo na
si Miles at Dave nako
baka sila magkatuluyan."
-Jasmine
Para sakin kahit sino
ang makatuluyan ni
Miles,
Pero syempre gusto ko
yung mamahalin at
ipagtanggol din sya.
Mabait naman si Dave
madalas nga lang
mapang-asar at si
Kuya Sam naman
masyadong tahimik
nako baka maunahan
pa sya.
"Kamusta na pala si
Ana? Wala na kasi
akong balita sa kanya."
Pag-iibako sa usapan.
"Ayon busy sa work,
pero sabi nya uuwe din
sya dito." -jasmine
"Sabihin mo ako kapag
nakabalik na sya para
naman madalaw namin
sya ni Nathan."
"Sige sasabihin ko sa
kanya."
______________
Kinagabihan ay nag
kakayaan silang mag-
inom dahil bukas ng
tanghali ay uuwe na
kami,
Hindi kasi kami pwede
magtagal lahat dahil
meron pang trabaho
ang iba at sila Mark at
Tyrone may mga anak
na dapat balikan.
"Rex tagay ka kahit Isa
lang." Pangtutukso ni
Dave sakin.
"Hoy wag mo nga
turuan ang kaibigan ko
nang mga kasamaan
mo." Sabat ni Miles
"Inggit kalang kasi
walang nag-aaya sayo."
-Dave
"Ayan na naman kayong
dalawa,
Salamat nalang Dave
pero ayaw ko talaga."
Nagpaalam muna ako
sa kanila na lalabas para
magpahangin pag dating
ko sa labas ay Napayakap
ako sa sarili ko dahil sa
sobrang lamig na ihip ng
hangin.
"Ang lamig dito noh?"
"Oh Dan? Bakit lumabas
ka?"
"Wala kasi akong gana
uminom." -Dan
"Ganon ba?"
Hindi ko talaga alam
kung paano kakausapin
si Dan ng maayos,
Medyo naiilang padin
ako sa kanya.
"Kamusta naman ang
pagiging Montes mo?"
-Dan
"Masaya dahil nakilala
kona yung totoo kong
Pamilya,
Pero ang hirap pala noh?
Yung sa tagal ng
panahon na wala ka,
nasanay sila na sila-sila
lang ang magkakasama."
"Bakit hindi kaba nila
Tanggap?" -Dan
"Tanggap naman,
kaya lang ang hirap
makibagay kasi iba
yung klase ng pamumu
hay na meron sila."
"Nabalitaan ko pala
yung nangyaring gulo
sa Birthday ni Tita
aurora." -Dan
"Yun ba? Wala yon,
Medyo hindi lang kami
nagkaintindihan ni
Andrea."
"Kilala kita Rex,
Hindi ka lalaban kung
hindi ka sinaktan."-Dan
"Pinilit ko naman
umiwas at wag pansinin
si Andrea pero hindi
ko kasi matake yung
mga sinasabi nya sakin."
"Alam kong hindi ka
nagsisimula ng away,
Kaya mas paniniwalaan
kita." -Dan
"Salamat Dan,
Pero maiba tayo pano
nga pala kayo
nagkakilala ng pamilya
ko?"
"Yung daddy mo at
Papa ko ay magkaibigan,
Actually yung Daddy
mo ang tumulong sakin
para makapagtrabaho
sa ibang bansa.
pero hindi kopa naman
alam na sya yung daddy
mo that time." -Dan
"Grabe noh?
Ang liit talaga ng mundo"
"At alam moba?
Nung nasa tyan palang
tayo ng mga nanay
natin ay pinagkaka
sundo na tayo?
![]() |
Flower for you |
Kapag daw babae at
lalaki ang mga anak
nila ay ipapakasal nila
pagnasa legal age na,
Kaya lang pareho tayo
ng kasarian." -Dan
Wow grabe pala,
Nasa tyan palang ako
pero nakaready na ako
ipakasal haha.
"Kaya pala gumawa
ng paraan ang tadhana
para maging mag
kaibigan nalang tayo."
"Kasi si Nathan talaga
ang para sayo at ako?
Itinadhana lang na
mahalin ka at hindi
magiging sayo.
Pero Tanggap kona
yon, Masaya na ako
para sa inyo ni Nathan."
-Dan
"Salamat Dan,
Sana mahanap modin
ang taong para sayo,
Yung taong mamahalin
ka ng buong-buo at
kayang ibalik yung
pagmamahal na kaya
mong ibigay."
Kahit papano ay naging
magaan ang loob ko
dahil sa naging pag-
uusap namin ni Dan
at malinaw na samin
na magkaibigan lang
kami at wala nang
hihigit padon.
____________
Pagkatapos naming
mag-usap ay sabay na
kaming bumalik sa loob
para tingnan pa yung iba
naming mga kaibigan.
"My Loves nag-usap
naba kayo ng maayos?"
Agad na tanong sakin
ni Nathan pagkatabi
ko sa kanya.
"Oo,Pano mo nalaman?"
"Syempre pagkalabas
mo ay lumabas din si
Dan kaya alam kong
nag-usap Kayo."-Nathan
"Okay na, na clear na
namin na magkaibigan
lang kami."
"Nathan yung tagay
mo kanina pa,
Ano ikaw lang iinom?
Paikot yan tol hindi one
is to one."
Biglang basag ni Steve
sa usapan namin.
Sinamaan sya ng tingin
ni Natha at tinagay na
yung inumin nya.
Pinanood kolang sila
na mag-inom hanggang
sa may mga Tama na
sila, Lt pala kapag
kasama mo sa inuman
ang mga kaibigan mo
although hindi ako
umiinom ag daldal nila
grabe at nag eenglishan
na kaya lang wala silang
binatba't kay Nathan at
Irish hahaha.
(NATHAN'S POV)
-
Nagising nalang ako
dahil sa sikat nang araw
na tumatama sa mukha
ko at may napansin
akong may mabigat na
nakapatong sakin,
Si My Loves tulog na
tulog at nakayakap sakin.
"My Loves??
Anong nangyari kagabi?
Pano ako napunta dito?"
Nakahiga kami ni My
Loves sa kama habang
sila Dan, Steve, Dave,
Matthew at Anthony ay
nasa lapag at
mahimbing na natutulog.
"Nalasing kalang naman,
Mabuti nalang at hindi
ako umiinom kaya
nadala kita ng maayos
dito."
"Asan yung iba???"
"Nandon sa kabilang
kwarto." -Rex
Napatingin ako sa sarili
ko at wala akong damit
tapos naka boxer nako.
"My Loves bakit ito lang
ang suot ko?"
"Nasukahan mo kasi
kagabi kaya hinubad ko
hindi naman kita
mabihisan kasi ang
bigat mo." -Rex
"Yung totoo My Loves?
Baka sinamantala mo
ang kalasingan ko ha?"
"Ang kapal mo!
Kahit i check mo pa
Hindi kita ginalaw!
Walang bawas yang
ano mo!" -Rex
"Ang alin My Loves?"
"Matulog kana nga
lang ulit!" -Rex
Kahit masakit ang ulo
ko ay napapangiti
padin dahil sa mga
reaksyon ni My Loves.
"Oyy ano ba ang
ingayo nyo!
matulog muna kayo!"
Saway ni Dave samin
habang kumakamot
sa ulo.
Buhusan ko kaya to
ng tubig para magising?
(REX'S POV)
-
Tangghali na nang
magkakayayaan na
kaming umuwe para
hindi kami abutin ng
gabi.
At dahil iba-iba kami
ng inuuwian ay
naunang bumaba sila
Dave, Steve,Matthew
at Anthony.
Sumunod si Jasmine,
Kenji at Dan.
Sunod na bumaba sila
Mark, Sheena at Miles.
Kaya kasabay namin
ni Nathan si Irish dahil
iisa lang ang way na
uuwian namin.
"Gusto nyo kumain
muna?
May alam akong
masarap nakainan dito."
"Talaga? Sige ba."
Sumama kami ni
Nathan kay Irish at
habang naglalakad
ay nagtatawanan kami
dahil si Nathan panay
ang loko kay Irish
dahil bumait na ito.
Tingnan mo nga
naman,
May paiyak-iyak kapa
dahil sa nangyari kay
Mommy tapos eto ka
ngayon ang saya-saya
mo."-Andrea
Napahinto kaming
tatlo dahil hinarang
kami ni Andrea,.
talagang pinagtatagpo
kami para mag-away.
"Andrea mali ka nang
iniisip."
"Paanong mali?
Kitang kita kana nga
magsisinungaling kapa."
-Andrea
"Bakit masama naba
maging masaya kapag
kasama ang kaibigan?
O ang Boyfriend?
Andrea Hindi ko alam
kung bakit haggang
ngayon ang kitid ng
utak mo."
"Anong sabi mo?!"
-Andrea
"Ikaw ang nagsimula
ng gulo sa Party,
Nananahimik kami
pero ikaw tong nanguna.
Pinagtanggol ko lang
ang sarili ko."
"Kung hindi ka
pumunta sa Party hindi
sana magkakagulo."
-Andrea
"Montes din ako, Ate.
Hindi lang ikaw ang
anak ni Mommy at
Daddy kaya hindi ikaw
ang magdidikta sakin."
"Ang ka___pal talaga ng
mukha mo."
Sasampalin na sana
ako ni Andrea pero
may sumalag sa
kamay nya.
"Hindi kita kilala at
Wala akong balak na
makilala ka pero mali
ang ginawa mo sa
kaibigan ko." -Irish
"Sino kabang pakia
lamera ka?
Bakit ka nakikialam?"
-Andrea
"Bingi kaba?Ang sabi
ko kaibigan ako ni Rex
at kung talagang
magkapatid kayo ni
Rex at ate ka nya diba
ikaw dapat ang unang
nagtatanggol sa kanya?
Pero sa nakikita ko
ikaw pa ang nananakit
sa kanya." -Irish
"Bitawan mo nga ako!
Nasasaktan na ako!"
-Andrea
Gusto ko man silang
awatin pero pinigilan
ako ni Nathan.
"Talagang masasaktan
ka kapag dimo tatan
tanan si Rex,
Kung hindi lalaban si
Rex? Pwes ako ang
subukan mo nang
magkaalaman kung
hanggang saan aabot
yang sungay mo!" -Irish
"Hindi moba ako
nakikilala??
I am! Andrea Montes!".
-Andrea
"Wala akong pakialam
kung sino ka at kung
anong pangalang
meron ka.
Ako si Irish at itong
pangalan nato ang
dapat mong tandaan..
dahil kayang kaya kong
tapatan ang pagiging
maldita mo!
At baka Hindi lang,
Baka nga lagpasan
kopa!" -Irish
Pagkatapos nyang
sabihin yon ay itinulak
nya si Andrea at niyaya
nya kaming lumabas.
"Irish salamat."
"Maliit na bagay Rex,
Kulang pa yung nagawa
ko bilang kabayaran sa
mga nagawa ko sayo
dati." -Irish
"Irish wala nayon,
Matagal ng tapos yon.
Magkaibigan na nga
tayo diba?"
"Matagal kana bang
ginaganon ng ate mo?"
-Irish
"Madalas mainit ang ulo
nya sakin pero hindi nya
naman ako madalas
sinasaktan."
"Pero sinasaktan kapa
din nya,Bakit dimo sya
isumbong sa Mommy
at Daddy mo?
Hindi tama ang gina
gawa nya sayo."-Irish
"Sinusubukan ko
namang kausapin si
Andrea, Kaya lang."
"Kaya lang ano?
Ayaw nya pa din?
Alam mo this time
hindi ako magiging
mabait sayo,
Gusto kong sabihin
sayo na hindi kapa din
nagbabago napaka
hina mo padin,
Hinahayaan mo padin
na sinasaktan ka ng
ibang tao dahil
naniniwala ka na
pwede pa silang mag
bago." -Irish
"At ayon nga ang
nangyari sayo diba?
Kahit sinasaktan mo
ako,
Kahit lagi mo akong
inaapi ay hindi padin
ako tumigil na umasa
na balang araw na
magiging magkaibigan
tayong dalawa."
"Kaya nga nagpapa
salamat ako sayo,
Dahil sayo maraming
nagbago sakin..
natuto akong mag
appreciate ng mga
maliliit na bagay at
higit sa lahat natuto
akong makipag kaibigan.
Pero sana may
natutunan kadin sakin,
Yun ang matuto kang
ipagtanggol ang sarili
mo dahil hindi sa lahat
ng oras nandito kami
sa tabi mo."
Nag-iba na nga talaga
si Irish sa loob ng
mahabang panahon
dahil lahat ng sinasabi
nya ay may laman at
talagang tatatak sa
puso.
"Hayaan mo,
susundin ko lahat ang
mga sinabi mo."
Niyakap ko nang
mahigpit si Irish at
ganon din sya sakin.
"Sorry pala dahil
naudlot yung dapat na
pagkain natin."
"It's okay marami pa
namang next time."
-Irish
"Hayaan mo babawi
ako sa susunod."
"Pano Rex mauna na
ako, Magkaiba tayo ng
way eh.
See you next time and
Nathan?Bantayan mo
tong kaibigan ko,
Kapag nalaman ko lang
na nasaktan ulit sya
lagot ka sakin." -Irish
"Oo naman akong
bahala sa My Loves ko."
Umakbay sakin si
Nathan at sabay kaming
nagpaalam kay Irish.
"Nathan ang bigat mo
alisin mo yung kamay
mo."
"My Loves doon na
muna tayo dumoretso
samin,
Magluluto daw si
Mommy para satin."
"Wow talaga?
Sige tara na."
Hinila kona si Nathan
para maghanap ng
masasakyan papunta
sa kanila,
Wala kasi syang
dalang sariling
sasakyan kaya eto
magcocomute kami.
_____________
Pagdating namin sa
bahay nila Nathan ay
masaya kaming
sinalubong ni Ate Erna.
"Rex kamusta kana?
Mabuti napadalaw ka."
"Okay lang naman po,
Ganon padin maganda
hahaha."
Pabiro kong sagot
sa kanya.
"Ito Talagang bata
nato palabiro."
"Ate?! Grabe ka sakin
di naman ako nagbibiro."
"Ah ate Erna nandyan
napo ba sila Mommg
at Daddy?"
Biglang singit ni
Nathan
"Opo Sir, Kanina pa
nandon po sila ngayon
sa kanilang kwarto."
"Ate Erna patulong
naman kami na dalhin
to sa kwarta namin."
-Nathan
"Sige po sir."
Binigay ni Nathan kay
ate Erna yung mga
gamit namin.
"Rex??????? "
Isang Pamilyar na
boses ang muli kong
narinig.
"Alexandra!???"
Lumapit sya sakin at
niyakap ako ng mahigpit.
"Akala ko hindi kana
pupunta dito eh."-Alex
"Medyo naging busy
lang ako kaya hindi ako
masydo nakakadalw
dito."
"Ganon ba?Kamusta
ka naman?" -alex
"Eto nakipag bonding
kami sa mga kaibigan
namin,.
medyo nakakapagod
nga din ang byahe."
"Edi magpahinga na
muna kayo,
mukha kana ngang
pagod.
mamaya nalang ulit
tayo mag-usap." -Alex
"Sige akyat na muna
kami ni Nathan sa
taas."
Pagkapasok na pag
kapasok ko sa kwarto
ni Nathan ay humiga
agad ako sa kama,
Grabe napagod ako.
"My Loves dika ba
magpapalit?"
"Mamaya nalang
siguro, Tinatamad pa
ako eh.
Bakit mabaho naba
ako?"
"Hindi naman."
Humiga sa Tabi ko si
Nathan at niyakap ako.
"Masaya kana ba My
Loves?"
Napalingon ako kay
Nathan sabay ngiti.
"Nathan salamat,
Kasi sa kabila ng mga
di magagandang
nangyari sakin dimo
padin ako iniwan.
Lagi kapa din nandyan
sa tabi ko.
Salamat sa lahat ng
effort mo para mapa
saya ako.
"Syempre gagawin ko
lahat para sa My
Loves ko"
Paulit-ulit ako magpapa
salamat sa May kapal
dahil binigyan nya ako
ng isang tulad ni Nathan,
Na minahal at tinang
gap ako sa kabila ng
katauhan na meron ako.
________________
ABANGAN NEXT
CHAPTER SUSUNOD
NA.
PLEASE LEAVE A COMMENTS
AT PLEASE SHARE THIS STORY
GOD BLESS HAVE A GREAT DAY.
Parang mas ok dito koys,,, hayyuu rex kailan kaba matutong lumaban,,,,
ReplyDeleteSana tuloy tuloy na ito hanggang mtapos ang mga kwento mo,,, slamat,
ReplyDeleteOo nga mas okey pa ganito meron option...para continue yun story hanggang sa happy ending.
ReplyDeleteWow dto nlang sir mas magandapa sir tnx love you
ReplyDeleteThank you so much idol... Tama ang ginawa mo irish hahahaha nkakita ng katapat si Andrea
ReplyDeleteAmazing
ReplyDelete