SANAY AKO NALANG(CHAPTER 8)SEASON 3
SANAY AKO NALANG
CHAPTER 8(SEASON 3)
Pinoy M2M STORY
SANAY AKO NALANG
(CHAPTER 8)
(REX POV)
-
"My Loves kamusta ang pag-uusap nyo ni Mama?"
"Ayon okay naman, May konting iyakan pero masaya kami dahil nakita na ulit naman ang isa't isa."
"Mabuti naman at ngumi ngiti kana, Nito kasing mga nagdaang araw parang lagi kang Stress." -Nathan
"Mukha ba akong stress??"
"Oo, Pero kahit ganon maganda ka padin sa paningin ko." -Nathan
Napangiti ako sa sinabi ni Nathan sabay kurod sa tagiliran nya, Para kasheng Tenge!
"Nantitrip kana naman ba? My Loves? may stress ba na maganda?"
"Seryoso kasi ako, Kahit anong look mo ay maganda ka padin sa paningin ko." -Nathan
Nakakainis tong si Nathan! Dahil sa mga katulad nyang lalaki kaya nauso ang salitang MARUPOK!
"Matulog kana nga baka inaantok kalang."
Nilapit ni Nathan yung mukha nya sa mukha ko at dahil don hindi ako makakilos ng maayos, Kung titigan ang gusto nya paniguradong talo ako kasi naseseduce ako kapag tinititigan nya ako.
"Ano My Loves dika makatagal noh? Gwapo kasi nang Fiancé mo kaya mas lalo kang naiinlove."
Pinakita nya sakin yung singsing sa daliri nya at ganon din ang ginawa ko.
"Nathan sigurado kana ba dito?"
"Sa alin My Loves?" -Nathan
"Dito, Sa pagyaya sakin ng kasal. Hindi kita mabibigyan ng mga anak na pinapangarap mo."
"My Loves naman pagtatalunan na naman ba natin ulit to? Diba sabi ko sayo dati na hindi nasusukat sa dugo ang pagiging magulang ng isang tao? Dahil sapat na ang pagmamahal na meron sila para matawag silang magulang." -Nathan
"Marami pa tayong pagdadaanan kapag kinasal tayo."
"Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, Buhay ko to at buhay natin to." -Nathan
"Pero ka------"
Magsasalita pa sana ako pero hinalikan na ako ni Nathan.
"Oh ayan My Loves, Edi natigil ka sa pagtatanong. Sapat na na mahal natin ang isa't isa para magpatuloy at harapin ang mundong ginagalawan natin." -Nathan
Wala akong masabi kay Nathan dahil ramdam ko na bawat letrang lumalabas sa bibig nya ay pawang katotohanan lang.
Mahal na Mahal kodin sya at handa akong lumaban sa mga taong manlalait at maninira samin.
"My Loves I Love you." Ayan nalang ang nasabi ko sa kanya.
"I love you too, I Love you More and I love you forever My Loves."
Nag kiss ulit kami ni Nathan, Smack lang haha sumusobra na sya sakin kotang kota na syang kung may bayad lang ang pagkiss nya sakin baka baon na sya sa utang sa akin .
Hinakawakan ni Nathan ang kamay ko at nagulat ako sa sundo nyang ginawa dahil ipinatong nya sa ano nya!!! Yung ano nya! basta alam nyo nayon.
"Nathan??" Imbes na My Loves ang itatawag ko sa kanya ay natawag ko sya sa pangalan nya pano Kasi nakakagulat sya.
"My Loves naman nagugulat pa." -Nathan
Medyo horny din talaga tong Fiancé ko, Ganito din kaya sya sa mga Fast Girlfriend nya? hehe wala lang bigla kolang naisip.
Hindi ako makatitig kay Nathan kasi naseseduce na talag ako at kailangan ko magpakatatag.
Rex! hingang malalim! Pagchecheer ko sa sarili ko.
Mayamaya ay biglang may kumatok.
Nagsalubong bigla ang mga kilay ni Nathan, Kung sino man yon ay nasave nya ako ako sa Injection! Thank you Lord!
Si Nathan na ang bumangon para tingnan kung sino yon.
"Kuya Reexxx"
Tumakbo agad sakin si kyline at niyakap ako, Talagang na miss ako ng kapatid ko.
"May problema ba ang baby girl namin?"
"Wala po, Gusto kolang po kayo makasama. Pwede po bang dito ako matulog katabi nyo?"
Tumingin muna ako kay Nathan bago sumagot, Yung itsura nya parang nagsasabi na wag.
"Sige baby dito ka sa gitna namin ni kuya Nathan mo."
Masayang humiga si Kyline sa tabi ko at si Nathan naman ay napakamot nalang sa ulo.
"Kuya Nathan tara napo." Tawag ni Kyline sa kanya.
"Sige baby tabi kana sa kuya Rex mo." -Nathan
"Galit kaba My Loves?"
"Punta lang ako nang CR" -Nathan
Ang layo ng sagot nya sa Tanong ko, Tinotopak na naman tong lalaki nato.
"Bakit My Loves masama ba ang timpla ng Tyan mo?"
"Oo, At alam mona kung bakit."
Pumunta na nga si Nathan sa Cr at naiwan kaming dalawa ni Kyline, Dahil gabi na ay kinuwentuhan ko nalang sya para makatulog na.
Hindi pa ako natatapos sa kwento ko ay nakatulog na ang kapatid ko.
"My Loves tulog na yung kapatid mo, Let's continue."
Kinuha ko yung isang unan tapos binato ko sa mukha nya.
"Matulog kana nga Nathan! Baka bukas paggising mo wala nayang KAANUHAN mo!"
Ayoko sanang sabihin yon sa kanya pero nakakainis kasi haha, Bahala sya kung magalit sya sakin.
(MILES POV)
Nagising nalang ako dahil sa tunog ng phone ko, Sino kaya itong bwiset na tumawag ang aga-Aga namang nang-iistorbo. Pagtinging ko 11 am na pala ng umaga,
Jusko napuyat na naman ako.
'Hello sino ito?' tamad kong sagot
'Si Sammuel to'
Bigla akong nagising sa boses na narinig ko, Totoo bato? Si Samuel? Pero baka ibang Samuel naman to,
Wait I'll check baka mali ako.
'Sinong Samuel?'
'Samuel Montes, Yung kuya ni Rex. Remember?'
OO NAMAN! Pwede kobang makalimutan ang gwapong kuya ni Rex??????
'Paano mo pala nakuha ang number ko?'
'ah eh kinuha ko sa kapatid ko, kay Rex. Bakit bawal ba?'
'Hindi naman, Nagulat lang ako akala ko kasi kung sino nang tumawag.'
'Sorry naistorbo ata kita, Sige ibababa kona'
'uii grabe naman to, Nagulat lang ako hindi ka naman nakakaistorbo bakit ka pala napatawag?'
'May gagawin kaba ngayon? Or mamaya?'
'Wala naman, Bakit?'
'Pwede ba kitang yayain lumabas?'
Para akong nakuryente sa narinig ko at nagtatalon ako sa sobrang kilig pero walang sounds kasi baka marinig ako ni mama at akalain na nababaliw na ako.
'Bakit san tayo pupunta?'
'Gagala, Tapos kakain kung anong mga gusto.'
Gusto kita! Pwede bang akin ka nalang!?!?!
'Anong oras ba?'
'Ngayon na sana, Just give me your exact address ako na ang pupunta dyan para sunduin ka.'
'Ha!'
'Bakit may problema ba??' -Sam
'Ngayon na talaga???'
'Oo Sana.'
Napabalikwas agad ako ng bangon dahil sa sinabi ni Samuel loko tong lalaki nato ah kakagising ko pa ngalang eh.
Itinext ko sa kanya yung exact address namin bago ako nagmadaling maligo at magbihis, Bahal na si Batman.
After 30 minutes
"Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang sinampal ng sampong babae."
Kinuha ko yung salamin sa bag ko at oo nga grabe ang pula ng pisngi ko, Agad akong kumuha ng tissue at pinunasan ang mukha ko.
"Okay naba yung ganito Ma?"
"Oo okay nayan, Bakit saan kaba pupunta may date kaba?" -Mama
"Date? Wala akong date ngayon, Mag aapply lang ulit ako ng work."
"Apply pala ha? Sige na umalis kana,
Kanina kapa hinihintay ng bisita mo. Samuel daw ang pangalan nya at ipinagpaalam kana nya sakin."
What!!!!??? Nandito na si Samuel???? At ipinaalam nya ako kay Mama? Ano kayang pinag-usapan nila????
"Kanina paba sya Ma?"
"Puntahan mona at baka mainip payon"
Agad ko namang pinuntahan si Sam dahil baka naiinip nayon, Si Mama kasi eh hindi sinabi na nandyan na pala sya edi sana mas binilisan kopa ang kilos ko.
"Samuel kanina kapa ba? sorry kung mabagal ako."
"It's okay, Hindi naman ako nainip atleast nakapag usap pa kami ng mama mo." -Sam
"A-anong pinag-usapan nyo?"
"Wala naman, Ano shall we go?"
Ngumiti nalang ako at sumakay na sasakyan nya. Hindi na naman ako mapakali kung anong napag-usapan nila ni Mama.
"Ah eh Sam? San ba tayo pupunta?"
"Sa lugar kung saan tayo unang nagkita."
Hindi sya nakatingin sakin pero nakangiti sya habang nagmamaneho. Timang lang? Haha
So sa park ang punta namin?
Pagdating namin sa park ay madaming tao, karamihan ay puro magjojowa ang sakit nila sa mata ang sarap pagsisipain, Yung iba grabe maglampungan ano live scandal lang?
"Tara hanap tayo nang pwesto."
Nakagulat ako sa sunod na ginawa ni Sam, Dahil! HI-NA-WA-KAN nya ang kamay ko!!!!
Yung tibok ng puso ko grabe parang gusto nang lumabas sa katawan ko. Ito ba ang tinatawag nilang true loveeeee?????
Hinayaan ko nalang sya na hawakan ang kamay ko habang naghahanap ako ng mapupuwestuhan, Puno na. Ano ba kasing meron ngayon? Syempre wala haha.
"Walang magandang pwesto, Sa iba nalang kaya tayo?" -Sam
"Ikaw bahala."
"Miles??"
Napalingon agad ako sa pinanggalingan ng boses.
"Sheena???"
Lumapit sya sakin at nakipag beso-beso. Napansin kong nakatingin lang sya sakin na parang may gustong itanong.
Napabitaw agad ako kay Sam nang maalala ko na hawak hawak nya pala ang kamay ko.
"Kamusta kana Miles? Anong ginagawa nyo dito?"
"Niyaya lang kasi ako nitong kasama ko."
"May Date kayo?" -Sheena
Biglang uminit ang mukha ko dahil sa sinabi ni Sheena, Pakiramdam ko pulang pula na ako.
"Hindi, Hindi mamasyal lang kami. Atsaka kaibigan ko lang sya."
"Ganon ba? Wala ba kayong mapwestuhan? Gusto nyo doon nalang kayo samin ni Mark." -Sheena
Yung itsura ni Sheena parang ayaw maniwala sa sagot ko.
Sumunod naman agad kami kay Sheena, Para tuloy nailang ako bigla kay Sam.
"Ninang!!!"
Tumakbo agad sakin papunta yung inaanak ko at nagmano sakin. Mukhang goodgirl na sya at hindi na tinuturaan mag maldita ng Mama nya haha.
Pati si Mark halata sa itsura na nagtataka kung sino ang kasama ko.
Umupo naman kami ni Samuel sa pwesto nila Sheena, Bahala na si Batman.
"Miles kamusta na?" Tanong sakin ni Mark.
"Eto maganda padin."
"Halata nga eh, Sino bayang kasama mo? Boyfriend mo?"
Isa patong si Mark! bastos ang bunganga! Boyfriend agad? Di ba pwedeng Friends lang kami!!!
"Oyy hindi, Kaibigan kolang sya. Siya nga pala si Samuel kuya ni Rex."
"Talaga?"
Nagkamayan naman silang dalawa, Bahala sila mag-usap ang ginawa ko ay Tumabi ako kay Sheena at sa inaanak ko.
(MARK POV)
"Kuya ka pala ni Rex?"
"Oo, Kuya nya ako. Kaibigan mo din ba sya?"
"Hindi lang basta kaibigan,Kundi Bestfriend"
"Bago lang kasi namin nalaman na magkapatid kami, Kaya wala pa ako masyadong alam sa kanya."
"Ayos lang yon, Pero kapag nakilala mo si Dex siguradong matutuwa ka. Pero maiba tayo? Kayo naba ni Miles??"
"H-hindi pa." Pautal nyang sagot sakin.
"Hindi pa? So balak mong ligawan?"
"Oo sana, Kaso hindi ko alam kung paano ako magsisimula."
"Simulan mo munang magtanong kay Rex, Kasi mas kilala nya si Miles at sigurado akong alam nya kung paano mo mapapa OO yang si Miles."
"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nyo ha?" Tanong sakin ni Sheena
"Hindi naman masyado."
"Kain na muna tayo, Miles and Sam kain nadin kayo madami naman kaming dalang pagkain sakto nato para satin." -Sheena
Masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkain dala namin, Nagtatawanan at nagkwekwentuhan habang kumakain.
Si Miles naman hindi makatingin sakin ng diretso ayaw atang maasar ahaha.
(MILES POV)
Ano kayng pinag-usapan nila Mark at Sam kanina?
Gusto ko sanang itanong sa kanila kung ano kaso wag na.
"Mommy Bili nyo ako non!"
Tumakbo palapit sa nagtitinda ng mga laruan yung makulit kong inaanak kaya ayon sinundan nang kanyang Mama at Papa kaya kami nalang ni Sam ang naiwan.
"Masaya din pala kasama yung mga kaibagan mo noh?" Tanong sakin ni Sam
"Oo sinabi mopa, Lalo na kapag nakilala mopa yung iba naming kaibigan ni Dex. si Dan, Si Jasmine, Si Tyrone, Si Nicole, Si Kenji at Irish sigurado ako sobrang saya non kapag nagkataon."
Sobrang na mimiss kona yung mga kulogo nayon, Bibihira nalang kasi kami magbonding ngayon masyadong busy na sa kanya kanya naming buhay.
"Wow ang dami pala, Sana makilala kodin sila Soon." -Sam
Naiilang ako kay Sam kasi grabe sya makatingin sakin pakiramdam ko tuloy may dumi ako sa mukha.
"Ah Sam? may dumi ba ako sa mukha?"
"Mas maganda ka pala sa malapitan?"
Bumilis agad ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nya, Anong problema nya??? Ba't nya nasabi yon!!!!!!????
"Ha?? Ako maganda? Nako baka lumalabo na ang mata mo"
"I'm serious. Mas maganda ka sa malapitan. Siguro marami kanang naging Boyfriend?"
Wow! Madami talaga? Kung alam nya lang talaga, NBSB ako! Akala ko kasi magiging boyfriend ko yung tropa ni Nathan kaso masyadong babaero baka makapatay lang ako haha.
"Wala pa akong Boyfriend. NBSB ako."
"Seryoso?! Bakit naman??"
Gusto ko sanang isagot sa kanya na syempre hinihintay kita!
"Ewan, Siguro diko pa talaga natatagpuan yung lalaking para sakin."
"Wag kang mag-alala baka nasa malapit nalang sya at humahanap ng tyempo." -Sam
"Sana nga ganon, Dina rin kasi ako pabata gusto ko din naman magka lovelife."
Sa totoo lang madami nadin namang nanligaw sakin ewan koba at nagsasawa agad ako sa kanila, Hindi naman sa maarte ako pero para kasing hindi ko nakikita sa kanila yung katauhan na gustong gusto ko sa isang lalaki.
Ilang minuto pa ay nakabalik nadin sila ang saya nilang tingnan pamilya, Gusto ko maging ganyan din kasaya ang pamilya ko balang araw at sana dumating nadin yung lalaking para sakin.
Comments
Post a Comment