SANAY AKO NALANG(CHAPTER 8)Part 2- Season 3

 SANAY AKO NALANG

CHAPTER 8(SEASON 3)

PINOY M2M STORY
Sanay ako nalang chapter 8
Part 2-Season 3

(REX'S POV) 
-
Nagising nalang ako dahil may kamay nakapatong sa tiyan ko, kay ethan lang pala.. 

Kaya dahan dahan kong minulat ang mata ko. Si Nathan lang pala hinalikan ako.
"Good Morning My Loves, Papasok na ako sa trabaho."
"Ang aga naman?"
"Uuwe pa ako samin, Kukunin kopa mga gamit ko."
"Kumain kana ba? Gusto mo ipagluto kita? Wait lang."

"Hindi na My Loves ayos lang doon na ako sa office kakain. Bumalik kana sa pagtulog." -Nathan
"Ihahatid na kita palabas."
"Itong si My Loves talaga mahal na mahal ako, Kaya kona. Matulog kana lang ulit." -Nathan

Hindi kona napilit si Nathan at bumalik nalang ako sa pag-tulog. Masaya ako dahil talagang sineseryoso ni Nathan yung promise nya sakin at talagang gusto na nya na magbukod kami.

Katulad nang nakasanayan ko ay pag-gising ko ay nakahanda na ang pagkain na niluto ni Mama (Tanghali kasi ako lagi magising) mabuti na nga lang at mabait tong Nanay ko kahit tanghali na ako gumising ay pinaghahandaan padin ako nang makakain.
"Pa kain tayo."

Pag-anyaya ko sa kanya habang nagkukumpuni sya nang sirang Electric Fan.
"Sige na anak kumain kana dyan, Kumain na kami nila  Mama mo kanina." -Papa
"Ganon ba, asan pala sila?"
"May binili lang saglit sa labas pero pabalik nadin yon."

Kinain ko nalang mag-isa yung niluto nila sakin habang nanonood ng Tv.
Ilang saglit lang din ay nakabalik na sila.
"Kuya Dex, Wala kabang pasok sa work mo ngayon?"
"Wala baby bakit?"
"Yehey! Makakasama pa kita nang matagal."

"Bakit na miss moba si kuya ng sobra?"
"Opo, Sobra na miss po kita."
"Hayaan mo dito na muna ako dina muna ako papasok ng work."
Kita ko sa ngiti ni kyline na sobrang saya nya na nandito ako, Ako din sobrang saya ko na nakabalik na ulit ako sa Pamilya ko.

(ANDREA'S POV) 
-
Nakakaboring dito sa bahay, Walang magawa dahil wala si Daddy busy sa work si kuya Sam naman may lakad at si Mommy ay nasa kwarto nya.

Paglabas ko nang kwarto ko ay nakita ko si Mama na bihis na bihis at Mukhang may lakad.
Saan kaya sya pupunta?
Na naka curious ako ay sinundan ko si Mama.
Ewan koba pero parang iba ang pakiramdam ko sa pupuntahan nya.

(REX'S POV) 
-
"Ma kamusta na pala yung negosyo natin?"
"Ayon, Mas tumaas ang sales natin. Nakakatuwa nga kasi ngayon umaasenso na tayo at nakakabili na tayo ng mga bagay na gusto natin."

Dati pangarap lang namin na yumaman pero ngayon halos abot kamay na namin, Yung perang galing kay Tito Greg ay napalago na namin, Sa umpisa mahirap pero kung talagang desidido ka sa isang bagay wag mo dapat basta basta susukuan.

"Masaya ako para sa Pamilya natin Ma."
"Pero pano ang mga Montes? Hindi ba sila magagalit dahil nandito ka?" -Mama
"Maayos naman akong nagpaalam sa kanila at pumayag sila."

"Yun lang ba talaga? Wala bang nangyari?" -Mama
Hindi ko pwedeng sabihin kay Mama ang totoo dahil sigurado ako na gera ang kakalabasan nito.

"Rex may bisita ka." Pagpuputol ni Papa sa usapa namin ni Mama.
Inisip ko kung sinong bisita yon pero imposibleng si Nathan dahil dirediretso nalang sya dito sa bahay pati si Miles wala naman kaming usapan na pupunta sya.

Nagpaalam muna ako kay mama para puntahan kung sino ang tinutukoy ni papa na bisita.

"Rex anak?????"
Agad na tumayo si Mommy sa kinauupuan nyo at niyakap ako.
"Ano pong ginagawa nyo dito?"
"Nandito ako para sunduin ka, Ayusin natin to bilang Pamilya."

"Siguro ang una nyong kinausap dapat ay si Andrea dahil sya lang naman ang may ayaw sakin."

"Alam ko hinding naging mabuti sayo si Andrea pero lahat naman tayo deserve nang second chance, nakausap kona si Andrea at hindi kona hahayaan pa na maulit Yung nangyari sayo." -Mom

"Ako napo ang lumayo sa gulo, Kaya sana po matanggap nyo din ang desisyon ko. mahal kopo kayo, Kayong lahat pero mahal kodin po ang sarili ko. Muntik napo akong mamatay dahil sa nangyari, Kaya mas mabuti na nandito ako."

"Anong sabi mo? Muntik kanang Mamatay dahil sa ginawa sayo ng anak ni Aurora?"
Pareho kaming natigil ni Mommy dahil sa pagdating ni Mama.

"Ma, ano kasi--"
"Sabihin mo sakin Rex minamaltrato kaba nila habang nandon ka sa pamamahay nila?"
Halata sa boses ni Mama ang galit at pag-aalala.

"It was an accident hindi naman alam nang anak ko na hindi pala marunong lumangoy si Rex." -Mom
"Aksidente lang? Pano kung hindi naagapan? Pano kung may nangyaring masama sa anak ko na anak mo din, 

Anong gagawin mo Aurora? Binalik ko si Rex sa inyo dahil kayo ang tunay nyang magulang at alam ko aalagan at mamahalin nyo sya katulad ng ginawa namin sa kanya." -Mama

"Hindi ako perpektong Ina Marivick, Tha't why i'm here para ayusin ang gulo sa pamilya namin." -Mom

Hindi na ako makasingit sa pagtatalo nila dahil usapan ito ng Ina sa Ina.
"Kung mauulit lang ulit na sasaktan ng anak mo si Rex hindi na ako papayag na bumalik pa sya sa inyo kahit ipakulong mopa ako ulit. Ina kadin Aurora, 

Nasasaktan ka kapag naagrabyado ang anak mo." -Mama
"Kaya nga ako nandito para kausapin si Dex na bumalik na samin, Ako ang ina nya kaya ako dapat ang poprotekta sa kanya at hindi ikaw, Pagbalibaliktarin man natin ang mundo ako padin ang totoong Ina nya at ikaw, Isa kalang dakilang magnanakaw ng anak."

"Hindi man galing si Rex sakin, Hindi man ako ang nagluwal sa kanya pero pinalaki ko sya ng maayos, pinalaki ko syang mabuting tao at maging mabuti sa kapwa at lalong lalo na ang may takot sa Diyos. Eh ikaw? anong klaseng pagpapalaki ang ginawa mo sa anak mo at naging ganyan ang mga ugali nila?"

Nagulat ako nang biglang sampalin ni Mommy si Mama sa harap kopa mismo.
"Sino ka para kwestyonin ang pagiging ina ko? Sino ka para sabihin sakin ang mga bagay nayan?"

Napahawak sa pisngi si Mama dahil sa sampal sa kanya, Pero gumanti si Mama at sinampal nya din si Mommy.
At hindi ko inaasahan na ang pagdating ni Andrea at inulak nya si Mama mabuti nalang at nasalo ko si Mama.

"How dare you to hurt my Mother!?"
"Andrea anong ginagawa mo dito?" -Mom
"Sinundan kita kasi alam kong dito ka pupunta, mabuti nalang at dumating ako dahil kung nahuli ako baka kung ano nang ginawa sayo ng mga to." -Andrea

"Andrea nag-uusap lang kami." -Mom
"Nag-uusap? Eh sinaktan kana nang babaeng yan."

Humarap si Andrea kay Mama at akmang lalapit sya pero humarang ko, Kung bastos ang ugali nya pwes wag nyang babastusin ang Mama ko lalo na sa pamamahay pa namin.
"Subukan mo ulit saktan ang Mama ko at ako na ang makakalaban mo. Gusto mo nang away diba? 

Sige ngayon mo ako hamunin para maipakita ko sa iyo ang sinasabi mong asal eskwater."
"Tinatakot moba ako?" -andrea
"Hindi kita tinatakot Andrea, Binabalaan lng kita."

"Pwes hindi ako natatakot sayo, Dahil isa kalang lang langaw at alam mo ginagawa sa mga langaw? Ito oh."
Sasampalin sana ako ni Andrea pero nasalag ko ang kamay nya at pinilipit yon papunta sa likuran nya. Ubos na ang pasensya ko, Sumusobra na sya.

"Ouch! Bitawan mo ako!"
"Binalaan na kita pero ayaw mo padin tumigil, Gusto mo muna umabot pa tayo sa sakitan." 

Ewan koba pero biglang nandilim ang paningin ko kay Andrea, Mabuti nalang at naawat ako ni Mama.

"Rex tama nayan, Hindi na dapat pinapatulan ang mga taong ganyan." -Mama
Susugod pa sana si Andrea sakin pero pinigilan na sya ni Mommy.
"Andrea tama nayan, Umuwe na tayo." -Mom

"No, Hindi pa ako nakakaganti sa baklang yan."
"Stop it! umuwe na tayo.!"
Natahimik si Andrea at natigil sya dahil galit na ang boses ni Mommy.

Bago sila umalis ay nagpaalam na muna si Mommy sakin at nagsorry din sya kay Mama dahil sa inasal ni Andrea.

(ANDREA'S POV) 
-
NAKAKAINIS TALAGA YUNG BAKLANG YON! kung hindi lang talaga dahil kay Mommy ay baka kinalbo kona yon, Hindi pa nya nakikita ang pagka demonyita ko!
"Hindi ko ginusto ang inasal mo kanina"
Sermon sakin ni Mama pagkadating na pagkadating namin sa bahay.
"Mommy ipinagtanggol lang kita sa mga yon"

"Pero hindi ko sinabi na makialam ka sa usapan namin." -Mom
"So ako na naman ang may kasalanan ganon ba? Ako na nga ang nagtanggol sayo ako padin ang mali? Kailan ba ako magiging tama sa pamilyang to?"
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Mommy.

Siguro panahon nadin para malaman nya ang totoong nararamdaman ko.
"Buong buhay ko ginagawa ko ang best ko pero hindi padin naging enough sa inyo! Dahil lagi nyong nakikita ang mga mali ko! siguro nga kaya ako nagkaganito dahil nadin sa inyo! Lagi akong gumagawa ng mga bagay na magpapasaya sa inyo, Pero anong pinaparamdam nyo sakin? Na kahit anong gawin ko ay may kulang, Na hindi mabubuo at hindi magiging masaya ang Pamilyang ito dahil may Kulang! At alam nyo yung mas masakit? Anak nyo ako pero hindi ko nakita yung pagsuporta nya sa mga gusto kong gawin, Lagi kayong kontra!"

Hindi kona napigilan ang emosyon ko at naibuhos kona ang matagal konang gustong sabihin.
"Ayan lang ba ang ikinasasama ng loob mo? ayan ba ang dahilan kung bakit naging ganyan ang ugali mo? Kami ba ang sinisisi mo kaya ka nagkaganyan?"
"Oo! Marami pa akong gustong sabihin, Pero kulang ang mga salita para sabihin ko sa inyo na wala kayong kwentang magulang! at wala kang kwentang Mommy!!!" 

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko at mas lalong tumulo ang mga luha sa mata ko.

"Hindi mo alam kung gaano namin kayo ka mahal, Iniisip lang namin ang tama para sa inyo at kung nararamdaman mong may kulang? Totoo yon,Dahil nawala si Caliv at hindi ko alam kung anong gagawin ko. 

Pero hindi ibig sabihin non ay pinabayaan ko kayo, At lalong hindi kita sinisi sa pagkawala ng kapatid mo. Oo nagalit ako sayo pero mas galit ako sa sarili ko, kung alam mo lang, Gabi gabi ako umiiyak dahil sinisisi ko ang sarili ko at nagagalit ako sa sarili ko dahil napapabayaan kona kayo, Pero kahit ganon ay pinilit kong maging isang ina sa inyo.  

Noong graduation mo, Akala mo iniwan kita basta-basta? Hindi, sinugod ang lola mo sa hospital nung araw nayon pero bumalik ako kaya lang tapos na, Binilhan kita ng mga maraming damit at laruan na gusto mo at nilagay ko sa kwarto mo habang natutulog ka."

Bigla tuloy bumalik sa alala ko yung araw nayon, Dahil sa sobrang iyak at sama ng loob ko ay nakatulog ako pero paggising ko ang daming regalo sa tabi ko kaya lang walang umaamin kung kanino galing yon.

"Dapat ba akong tumawa dahil binilhan mo ako nang mga mamahaling gamit?"
"Andrea makinig ka, Mahal kita. Mahal ko kayong magkakapatid at gusto kolang na mabuo tayo,. mali bayon?" -Mom

"Hindi mali yon Ma, Ang mali ay yong iparamdam mo samin na mas mahal mo si Dex kesa samin!  Kami ang kasama mo nang mas matagal! Pero bakit pakiramdam ko ay naitsapwera kami sa pagbabalik nya?"

"Sorry kung akala nararamdaman mo yon, Pero maniwala ka pantay-pantay lang ang pagmamahal ko sa inyo dahil pare-pareho ko kayong mga anak."

Hindi kona kaya pang makipag-usap kay Mommy parang anumang oras ay sasabog na ang emosyon dahil sa sobrang sama ng loob.

Nag walk out nalang ako at nagkulong sa kwarto kahit tinatawag ako ni Mommy ay hindi ko sya pinansin.

(MILE'S POV) 
-
"Mark mauna na kami ha? Nag-yaya na kasi itong kasama ko."
"Ganon ba? Sige ingat kayo sa pag-uwe pakisabi kay Dex punta sya sa Birthday ng Anak ko.". -Mark
"Oo ba pupunta kami, Salamat din pala sa pagkain nabusog ako."
"Bye Ninang"

Lumapit sakin yung inaanak ko at yumakap sakin.
"Bye, Baby. Sheena, Mark mauna na kami."
"Sige, Ingat kayo. Tol ingatan motong kaibigan ko ha?" Paalala ni Mark kay Samuel.

"Oo akong bahala iuuwe ko sya nang buong buo."
Umalis na kami ni Samuel at sumakay na sasakyan nya.

"Bakit pala bigla kang nag-aya umuwe?" Takang tanong ko kay Samuel.
"Pasensya kana ha? Nag text kasi sakin si Adrea ang sabi nya nag-away na naman daw sila ni Mommy." -Sam

"Ganon ba sige, Kahit wag muna ako ihatid pauwe samin unahin mo ang Pamilya mo."
"Hindi ihahatid na kita, pasensya kana kung biglaan naputol ko tuloy yung pag-uusap nyo ni Mark." -Sam

"Ayos lang yon, Syempre Pamilya mo yon."
Hinatid ako ni Sam hanggang sa tapat ng bahay namin, Kahit gusto kopa syang makasama ay hindi pwede kasi may problema daw sa Family nila, Pero marami pa namang mga Araw kaya ayos lang.

PLEASE AFTER READING THIS STORY WRITE A SHORT COMMENTS... THANK YOU AND GOD BLESS. 

Comments

Popular posts from this blog

SANAY AKO NALANG(CHAPTER 10)SEASON 3

SANAY AKO NALANG(CHAPTER 11)SEASON 3

SANAY AKO NALANG(CHAPTER 7)SEASON 3