SANAY AKO NALANG(CHAPTER 9)Season 3

SANAY AKO NALANG CHAPTER 9 - SEASON 3 PINOY M2M STORY (SANAY AKO NALANG 9) =PINOY M2M STORY= SANAY AKO NALANG --------------------------- =CHAPTER 9= (REX'S POV) - "Ma mahirap ba ang buhay mag-asawa?" "Bakit mo naman natanong yan? Mag-aasawa kana ba?" -mama "Nagbabalak na kasi kami ni Nathan, Pero natatakot ako baka hindi kopa kaya. Baka hindi pa namin kaya." "Alam mo Rex, Mahirap talaga ang buhay mag-asawa kasi marami kang iisipin. Gastusin sa bahay, Mga gamit sa bahay at higit sa lahat yung kakainin nyo araw-araw. Pero kung ready kayo at may ipon kayo bakit hindi? Sa panahon kasi ngayon hindi sapat na mahal nyo lang ang isat-isa, Dahil hindi ka mabubusog sa pagma mahal." -Mama "Pero kung mag-aasawa kami ni Nathan, Ayos lang ba sa inyo?" Napabuntong hininga si Mama at humarap sakin. "Malaki kana Rex, Kilala ...